إعدادات العرض
Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල தமிழ் دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული тоҷикӣ Македонски bm Malagasyالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anuman sa mga pagsamba ang higit na mainam sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin dahil taglay nito ang pagkilala sa kawalang-pangangailangan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at ang pagkilala sa kawalang-kakayahan ng tao at pangangailangan sa Kanya.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pagdalangin. Ang sinumang dumalangin kay Allāh ay dumadakila sa Kanya at kumikilala sa Kanya dahil sa Siya ay Walang-pangangailangan (kaluwalhatian sa Kanya), kaya naman ang nangangailangan ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Madinigin, kaya naman ang bingi ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Mapagbigay, kaya naman ang maramot ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Maawain, kaya naman ang malupit ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Nakakakaya, kaya naman ang walang-kakayahan ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Malapit, kaya naman ang malayo ay hindi nakaririnig; at dahil sa iba pa rito na mga katangian ng kapitaganan at karikitan na ukol kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
التصنيفات
Ang mga Kainaman ng Du`ā'