Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?

Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?

Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya tungkol sa pinakamabigat sa malalaking kasalanan, kaya binanggit niya ang tatlong ito: 1. Ang Pagtatambal kay Allāh. Ito ay ang pagbaling ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh at ang pagpapantay ng iba pa kay Allāh kay Allāh sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. 2. Ang Kasutilan sa mga Magulang. Ito ay bawat perhuwisyo sa mga magulang sa salita man o sa gawa at pagwaksi ng paggawa ng maganda sa kanila. 3. Ang Pagsasabi ng Kabulaanan at Kabilang Dito ang Pagsaksi sa Kabulaanan. Ito ay bawat sinasabing bulaan at kinatha na ninanais dito ang pagmamaliit sa sinumang pinagbuntunan sa pamamagitan ng pagkuha ng ari-arian niya o paglabag sa dangal niya o tulad nito. Nag-ulit-ulit nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbibigay-babala laban sa pagsasabi ng kabulaanan bilang pagtawag-pansin sa pagsasapangit nito at mga masagwang epekto nito sa lipunan hangang sa nagsabi ang mga Kasamahan: "Kung sana siya ay natahimik na." bilang pagkahabag sa kanya at bilang pagkasuklam sa lumiligalig sa kanya.

فوائد الحديث

Ang pinakamabigat sa mga pagkakasala ay ang pagtatambal kay Allāh dahil Siya ay gumawa rito bilang pangunahin sa malalaking kasalanan at pinakamalaki sa mga ito. Nagbibigay-diin dito ang sabi ni Allāh (Qur'ān 4:48): "Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya."

Ang bigat ng mga karapatan ng mga magulang yayamang iniugnay ang karapatan nila sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya).

Ang mga pagkakasala ay nahahati sa malalaki at maliliit. Ang malaki ay ang bawat pagkakasala na may kaparusahang pangmundo gaya ng mga takdang parusa at pagsumpa; o may bantang pangkabilang-buhay gaya ng banta ng pagpasok sa Impiyerno. Ang malalaking kasalan ay mga nibel, na ang iba sa mga ito ay higit na mabagsik kaysa sa iba sa pagbabawal samantalang ang maliliit sa mga pagkakasala ay ang iba sa malalaking kasalanan.

التصنيفات

Ang Etikang Kapula-pula, Ang Pagpula sa mga Pagsuway