إعدادات العرض
Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी বাংলা ئۇيغۇرچە Español Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Wolof Soomaali Moore Українська Български Azərbaycan ქართული тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng dalawang huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah sa gabi, tunay na si Allāh ay magbibigay-kasapatan sa kanya laban sa kasamaan at kinasusuklaman. Sinabing magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng pagdarasal sa gabi. Sinasabi ring magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng nalalabi sa mga dhikr. Sinabi ring ang dalawang talatang ito ay ang pinakakaunti na sasapat sa pagbigkas ng Qur'ān sa pagdarasal sa gabi. Sinabi rin ang iba pa roon. Marahil ang lahat ng binanggit ay tumpak na sumasaklaw rito ang pananalita.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa kainaman ng mga huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga ito ay mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:285-286): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya ...} hanggang sa wakas ng Kabanata.
Ang mga huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah ay nagtutulak palayo sa tagabigkas ng mga ito ng kasagwaan, kasamaan, at demonyo kapag binigkas ang mga ito sa gabi.
Ang gabi ay nagsisimula sa paglubog ng araw at nagwawakas sa pagsapit ng madaling-araw.