إعدادات العرض
Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands Kiswahili தமிழ் دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Soomaali Moore Українська Български Wolof Azərbaycan ქართული тоҷикӣ bm Oromoo Македонскиالشرح
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapagaan at pagpapadali sa mga tao at hindi pagpapahirap sa kanila sa lahat ng mga nauukol sa Relihiyon at Mundo. Iyon ay sa mga hangganan ng ipinahintulot at isinabatas ni Allāh. Humihimok siya ng pagpapagalak sa kanila sa pamamagitan ng kabutihan at hindi pagpapalayo ng loob nila rito.فوائد الحديث
Ang kinakailangan sa mananampalataya ay na magpaibig siya sa mga tao kay Allāh at magpagusto siya sa kanila sa kabutihan.
Nararapat sa tagapag-anyaya tungo kay Allāh na tumingin nang may karunungan sa pamamaraan ng pagpapaabot ng paanyaya ng Islām sa mga tao.
Ang pagpapagalak ay nagbubunga ng tuwa, pag-aasikaso, at kapanatagan para sa tagapag-anyaya at para sa inaalok niya sa mga tao.
Ang pagpapahirap ay nagbubunga ng kalayuan ng loob, pagtalikod, at pagpapaduda sa pananalita ng tagapag-anyaya.
Ang lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at na Siya ay nalugod para sa kanila ng isang relihiyong maluwag at isang batas na pinadali.
Ang pagpapadaling ipinag-uutos ay ang isinaad ng Batas ng Islām.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri