Huwag ninyo gawin ang inyong mga bahay na puntod, at huwag ninyo gawin ang aking puntod na pistahan (lugar palagiang bisitahin), at mag-alay kayo ng pag-pupugay (salawat) sa akin, katotohanan ang inyong pag-pupugay ay aabot sa akin kahit saan pa man kayo

Huwag ninyo gawin ang inyong mga bahay na puntod, at huwag ninyo gawin ang aking puntod na pistahan (lugar palagiang bisitahin), at mag-alay kayo ng pag-pupugay (salawat) sa akin, katotohanan ang inyong pag-pupugay ay aabot sa akin kahit saan pa man kayo

ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allah sa kanya) marfuw'an: "Huwag ninyo gawin ang inyong mga bahay na puntod, at huwag ninyo gawin ang aking puntod na pistahan (lugar palagiang bisitahin), at mag-alay kayo ng pag-pupugay (salawat) sa akin, katotohanan ang inyong pag-pupugay ay aabot sa akin kahit saan pa man kayo"

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud.]

الشرح

Ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- ang hindi pagsagawa ng boluntaryong salah sa loob ng mga kabahayan, panalangin, at pagbasa ng qur'an dahil pag hindi ay maaaring maihalintulad sa puntod; sa pagkat ang pagbawal sa pagsagawa ng salah sa puntod ay paulit-ulit na sa kanila kaya ipinagbawal niya sa kanila ang gawin nila ang kanilang mga bahay na ganon, at ipinagbawal niya ang paulit-ulit na pagbisita sa kanyang puntod at pagtitipon dito ng animoy kinaugalian; dahil iyon ay daan sa pagtambal, at ipinag-utos niya na manatili na lamang sa pagparami ng pag-pupugay at pagpapala sa kanya saang lugar pa man siya sa mundo; dahil iyon ay aabot sa kanya maging malapit man o malayo, kaya hindi na kailangan pa pupunta sa kanyang puntod.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos