إعدادات العرض
Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල ไทย دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული тоҷикӣ bm Malagasy Македонскиالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwas ng Muslim sa kapatid niyang Muslim nang higit sa tatlong araw: nagsasalubong ang bawat isa sa kanila sa isa pa at hindi bumabati rito at hindi kumakausap dito. Ang pinakamainam sa dalawang nag-aalitang ito ay ang sinumang nagtatangka ng pag-aalis ng pag-iiwasan at nagpapasimula ng pagbati. Ang ibig sabihin ng pag-iwas dito ay ang pag-iwas alang-alang sa kabutihan ng sarili. Hinggil naman sa pag-iwas alang-alang sa karapatan ni Allāh gaya ng pag-iwas sa mga suwail, mga tagagawa ng bid`ah, at mga kapisan ng kasagwaan, ito ay hindi natatakdaan ng oras. Ito ay sumasalalay lamang sa kapakanan sa pag-iwas at napapawi sa pagkapawi nito.فوائد الحديث
Ang pagpayag sa pag-iwas sa loob ng tatlong araw saka mababa pa, bilang pagsasaalang-alang sa mga kalikasang pantao, kaya naman napauumanhinan sa pag-iwas sa loob ng tatlong araw upang maalis ang sama ng loob na iyon.
Ang kainaman ng pagbati, na ito ay nag-aalis ng sama ng loob sa mga kaluluwa, at na ito ay isang palatandaan ng pag-ibig.
Ang sigasig ng Islām sa kapatiran at pagpapalagayang-loob sa pagitan ng mga alagad nito.