Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}

Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nagtataguyod sa mga kapakanan ng babaing namatayan ng asawa nito, na walang isang nagtataguyod sa mga pumapatungkol dito, at ng dukhang nangangailangan, at gumugugol sa kanila habang umaasa sa pabuya sa ganang kay Allāh, siya sa pabuya ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o gaya ng nagdarasal ng ṣalāh na tahajjud na hindi napapagod, na nag-aayuno pa na hindi tumitigil-ayuno.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagtutulungan, pagpapanagutan, at pagpuno sa mga pangangailangan ng mga mahina.

Ang pagsamba ay sumasaklaw sa bawat gawaing maayos. Bahagi ng pagsamba ang pagpupunyagi para sa balo at dukha.

Nagsabi si Ibnu Hubayrah: Ang ninanais ipakahulugan ay na si Allāh (napakataas Siya) ay magtitipon para sa kanya ng gantimpala ng nag-aayuno, nagdarasal ng tahajjud, at nakikibaka nang sabayan. Iyon ay dahil siya ay nagtaguyod sa balo gaya ng pagtataguyod ng asawa nito at nagtaguyod sa dukhang iyon na nawalang-kakayahan sa pagtataguyod sa sarili nito sapagkat gumugol siya nito na kalabisan sa pagkain niya at nagkawanggawa ng tiyaga niya, kaya ang pagpapakinabang niya ay nakatutumbas sa pag-aayuno, pagdarasal ng tahajjud, at pakikibaka.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa