إعدادات العرض
Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ Русский Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە ไทย دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan Malagasy ქართული тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tunay na lakas ay hindi ang lakas ng katawan o ang nakapagbubuno sa iba sa kanya kabilang sa malalakas. Tanging ang malakas na matipuno ay ang nakikibaka sa sarili niya at sumusupil dito kapag tumitindi rito ang galit dahil iyan ay nagpapatunay sa lakas ng pagkaya niya sa sarili niya at pananaig niya laban sa demonyo.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pagtitimpi at pagkontrol sa sarili sa sandali ng pagkagalit, at na ito ay kabilang sa mga gawaing maayos na hinimok ng Islām.
Ang pakikibaka sa sarili sa sandali ng pagkagalit ay higit na matindi kaysa sa pakikibaka sa kaaway.
Ang pagpapaiba ng Islām sa konseptong pangkamangmangan ng lakas para maging mga kaasalang marangal, kaya naman ang pinakamatindi sa mga tao sa lakas ay ang sinumang nakakontrol sa renda ng sarili niya.
Ang paglayo sa pagkagalit dahil sa idinadahilan nito na mga pinsala sa mga individuwal at lipunan.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri