إعدادات العرض
tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}
tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ay nagtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagdurugo kaya hindi ako nadadalisay. Kaya titigil po ba ako sa pagdarasal?" Nagsabi siya: "Hindi; tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Malagasy Română Kinyarwanda বাংলা తెలుగు Lietuvių Oromoo മലയാളം Nederlands Soomaali Shqip Српски Deutsch Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyar தமிழ் Македонски မြန်မာالشرح
Tinanong ni Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi hinihintuan ng pagdurugo at nagpapatuloy ito hanggang sa hindi panahon ng pagreregla. Kaya ang hatol kaya niyon ay ang hatol ng regla para tumigil ako sa pagsasagawa ng ṣalāh?" Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na iyon ay dugo ng istiḥāḍah." Ito ay dugo ng karamdamang namumutawi buhat sa pagkaputol ng isang ugat sa sinapupunan at hindi dugo ng regla. Kapag dumating ang panahon ng regla na ikaw dati ay nagreregla ayon sa buwanang dalaw mo bago ka magkasakit ng istiḥāḍah, itigil mo ang ṣalāh, ang pag-aayuno, at ang iba pa sa dalawang ito kabilang sa gawaing pinipigilan dito ang nagreregla sa panahon ng regla. Kapag nagwakas naman ang sukat ng yugtong iyon, ikaw ay magiging nadalisay na sa pagreregla. Kaya hugasan mo ang kinalalagyan ng dugo, pagkatapos paliguan mo ang katawan mo sa isang kumpletong pagpaligo para mapawi ang ḥadath, pagkatapos magsagawa ka ng ṣalāh.فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagpaligo sa babae sa sandali ng pagwawakas ng mga araw ng regla niya.
Ang pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ṣalāh sa babaing may istiḥāḍah.
Ang regla ay likas na dugong inilalabas ng sinapupunan sa pamamagitan ng ari ng babaing adulto, na dumapo sa kanya sa mga nalalamang araw.
Ang istiḥāḍah ay ang pagdaloy ng dugo sa hindi oras nito mula sa pinakamalapit na bahagi ng sinapupunan, hindi sa kailaliman nito.
Ang kaibahan sa pagitan ng dugo ng regla at dugo ng istiḥāḍah ay na ang dugo ng regla ay itim na malapot na masangsang ang amoy samantalang ang dugo ng istiḥāḍah ay pula na malabnaw na walang amoy na masangsang.