إعدادات العرض
Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල ไทย دری Akan Azərbaycan Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy नेपाली or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Moore Wolof Oromoo Српски Soomaali bm Українська rn km ქართული Македонскиالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh (napakataas Siya) at "hindi humalay ..." Ang halay ay ang pakikipagtalik at ang mga tagapagpauna nito na paghalik at pagromansa. Itinataguri rin ito sa mahalay na salita. Ang "nagpakasuwail" ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at mga masagwang gawa. at bahagi ng pagpapakasuwail ang paggawa ng mga pinipigilan sa iḥrām – "uuwi siya" – mula sa ḥajj niya na pinatatawad, gaya ng ipinanganganak na paslit habang ligtas sa mga pagkakasala.فوائد الحديث
Ang pagpapakasuwail, kung naging ipinagbabawal sa lahat ng mga kalagayan, ay nabibigyang-diin ang pagsaway laban dito sa ḥajj bilang pagdakila sa mga gawain ng ḥajj.
Ang tao ay ipinanganganak nang walang kasalanan, na pinawalang-kaugnayan sa mga pagkakasala kaya naman siya ay hindi nagpapasan ng kasalanan ng iba sa kanya.
التصنيفات
Ang Kainaman ng Ḥajj at `Umrah