{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat noon ng mga kamay niya katapat ng mga balikat niya kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh,

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat noon ng mga kamay niya katapat ng mga balikat niya kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh,

Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat noon ng mga kamay niya katapat ng mga balikat niya kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh, kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa pagyukod, at kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, nag-aangat siya ng mga ito gayundin at nagsasabi siya ng: "Sami`a –llāhu li-man ḥamidah. Rabbanā wa-laka –lḥamd. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat ng mga kamay niya sa tatlong posisyon ng ṣalāh nang katapat o kaharap sa balikat, na pinagsasalubungan ng mga buto ng balagat (shoulder blade) at bisig. Ang Unang Posisyon: Kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh sa takbīr ng pagsisimula. Ang Ikalawang Posisyon: Kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa pagyukod. Ang Ikatlong Posisyon: Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod at magsasabi siya ng: "Sami`a –llāhu li-man ḥamidah. Rabbanā wa-laka –lḥamd. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)" Hindi siya nag-aangat ng mga kamay niya sa sandali ng pagpapasimula ng pagpapatirapa ni sa sandali ng pag-angat mula rito.

فوائد الحديث

Kabilang sa mga kasanhian ng pag-aangat ng mga kamay sa ṣalāh ay na ito ay isang gayak para sa ṣalāh at isang pagdakila kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).

Napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pag-aangat ng mga kamay sa ikaapat na posisyon gaya ng nasa salaysay ni Abū Ḥumayd As-Sā`idīy sa ganang kay Abū Dāwud at iba pa rito. Ito ay sa sandali ng pagtayo mula sa Unang Tashahhud sa ṣalāh na tatluhan at apatang rak`ah.

Napagtibay buhat sa Propeta gayundin (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nag-aangat ng mga kamay niya katapat ng mga tainga niya nang walang pagsaling gaya ng nasa salaysay ni Mālik Al-Ḥuwayrith sa Dalawang Ṣaḥīḥ: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr, ay nag-aangat ng mga kamay niya hanggang sa magtapat siya ng mga ito sa mga tainga niya.}

Ang pagsasama ng tasmī` (pagsasabi ng: "Sami`a –llāhu li-man ḥamidah") at taḥmīd (pagsasabi ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd") ay natatangi sa imām at munfarid (mag-isang nagdarasal). Hinggil naman sa ma'mūm, magsasabi siya ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd."

Ang pagsasabi ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd" matapos ng pagyukod ay tumpak buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Dito ay may apat na porma. Ito ay isa sa mga iyon. Ang pinakamainam ay na sumunod ang tao sa mga pormang ito at sumambit ng isang porma minsan at isa pang porma minsan.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh