Ang Paglalarawan sa Ṣalāh

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh

32- Ayon kay Rifa-ah bin Ra`fie Azzarqa,at siya ay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:Dumating ang isang lalaki at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naka-upo sa Masjid.Nagdasal ito ng malapit sa kanya,pagkatapos ay pumunta siya at bumati sa kanya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal,Nagsabi siya: Bumalik siya at nagdasal tulad ng pagdarasal niya,pagkatapos ay pumunta siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niya sa kanya:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal" Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,ituro mo sa akin kung paano ang gagawin ko,Nagsabi siya:" Kapag nakaharap ka sa Qiblah,ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay basahin mo ang Ummul Qur-an(Fatihah),pagkatapos ay basahin mo ang kahit anong nais mo,kapag yumuko ka,ilagay mo ang dalawang palad mo sa dalawang tuhod mo,ituwid mo ang iyong likod at manatili ka sa pagyuko mo,kapag itinaas mo ang ulo mo,ituwid mo ang gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa kasukasuan nito,at kapag nagpatirapa ka,manatili ka sa pagtirapa mo,at kapag itinaas mo ang ulo mo,umupo ka sa hita mong kaliwa,pagkatapos ay gawin mo ito sa bawat pagyuko at pagpatirapa.Musnad ni Imam Ahmad.At sa isang salaysay:((Tunay na hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa maging ganap sa kanya ang Wudhu tulad ng ipinag-utos sa kanya ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,huhugasan niya ang mukha nito at kamay nito hanggang sa dalawang siko,at hahaplusin niya ang ulo nito at dalawang paa nito hanggang sa bukong-bukong,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at purihin niya Siya,pagkatapos ay magbasa siya ng Qur-an,sa anumang ipinahintulot sa kanya dito at magaan,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at magpatirapa siya at panatilihin niya ang mukha nito-at siguro ay nagsabi siya: Ang Noo nito sa lupa-hanggang sa mapanatag sa mga kasukasuan nito at makapag-pahinga,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at tumuwid siya na naka-upo sa inu-upuan niya at ituwid niya ang gulugod nito.Inilarawan niya na ganito ang pagdarasal sa apat na tindig,pagkatapos,hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa gawin niya ito,Sunan Abe Dawud, At sa isang salaysay:((Mag wudhu ka tulad ng ipinag-utos sa iyo ni Allah- kapita-pitagan at kamahal-mahalan,pagkatapos ay magsagawa ka ng Tashahhud,tumindig ka pagkatapos ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,At kung may naisa-ulo ka sa Qur-an ay basahin ito,At kung wala ay bigkasin ang Alhamdulillah at Allahu Akbar at La Ilaha Illa Llah)) Sunan Abe Dawud

33- Ayon kay Muhammad bin `Ata,Nagsabi siya:Narinig ko si Aba Humayd Al-Sa`edi,sa Sampu,mula sa mga Kasamahan ng mga Propeta,kabilang sa kanila si Abu Qatada,Nagsabi si Abu Humayd: Ako ang mas higit na nakaka-alam sa inyo sa (Pamamaraan ng) pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-Nagsabi sila?At bakit naman?Sumpa kay Allah; Hindi ikaw ang mas madalas, kaysa sa amin na sa kanya ay sumusunod at hindi rin mas nauuna sa amin, na sa kanya ay nakasama,Nagsabi siya: Oo.Nagsabi sila: Ipakita mo, Nagsabi siya: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber hanggang sa mapanatag ang lahat ng mga buto sa kinalalagyan nito nang matuwid,Pagkatapos ay magbabasa siya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber,at itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay yuyuko siya,at ilalagay niya ang dalawang kamay niya sa dalawang tuhod niya,pagkatapos ay pinagpapantay niya ito,hindi niya ibinababa ang ulo nito at hindi itinataas,Pagkatapos ay ini-aangat niya ang ulo niya at sinasabing: Narinig ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,pagkatapos ay itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya nang matuwid,Pagkatapos ay sasabihin niyang: Ang Allah ay Dakila;Pagkatapos ay bababa siya sa lupa,at inilalayo nito ang dalawang kamay niya sa tagiliran niya,Pagkatapos ay ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito,At binubuka nito ang mga daliri ng dalawang paa niya kapag siya ay nakapagtirapa,at nagpatirapa siya,Pagkatapos ay sinasabi niya: Ang Allah ay Dakila,at ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito hanggang sa bumalik ang lahat ng buto sa kinalalagyan nito,Pagkatapos ay ginagawa niya sa iba ang tulad nito,Pagkatapos,Kapag siya ay tumindig mula sa ikalawang tindig,magsasagawa siya ng Takber,at itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya tulad ng pagsasagawa niya ng Takber sa Pagbubukas ng Pagdarasal,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa mga natitirang pagdarasal niya,Kapag ang pagpapatirapa ay may kasunod na pagsasagawa ng Taslem,Ipinagpapahuli niya ang kaliwang paa nito at umuupo siya na (nakasandal sa balakang) sa may bandang kaliwa.Nagsabi sila:Katotohanan,Ganyan ang Pagdadasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sunan Abu Dawud [ Pinagmulan nito ay si Imam Al-Bukharie]