Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal

Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa masjid saka may pumasok na isang lalaki saka nagdasal ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya tumugon siya at nagsabi siya: "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Kaya bumalik ito na nagdarasal kung paanong nagdasal ito. Pagkatapos dumating ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal" nang makatatlo saka nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal, magdakila ka [kay Allāh], pagkatapos bumigkas ka ng anumang naisaposible sa iyo mula sa Qur'ān, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka habang nakayukod, pagkatapos umangat ka hanggang sa tumuwid ka habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka habang nakapatirapa, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka habang nakaupo, at gumawa ka niyan sa pagdarasal mo sa kabuuan nito."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid saka may pumasok matapos niya na isang lalaki saka nagdasal ito ng dalawang rak`ah habang nagmamabilis samantalang hindi ito napapanatag sa pagtayo nito, pagyukod nito, at pagpapatirapa nito. Ang Propeta naman (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusubaybay rito sa pagdarasal nito. Dumating ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakaupo sa isang dako ng masjid saka bumati ito sa kanya kaya tumugon naman siya rito sa pagbati at nagsabi siya rito: "Bumalik ka saka umulit ka ng pagdarasal mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Kaya bumalik ito na nagdarasal habang nagmamabilis kung paanong nagdasal ito. Pagkatapos dumating ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya rito: "Bumalik ka saka umulit ka ng pagdarasal mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal" nang makatatlo. Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin." Kaya nagsabi siya rito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal, magsagawa ka ng panimulang takbīr, pagkatapos bumigkas ka ng Ina ng Qur'ān at ng anumang niloob ni Allāh na bigkasin mo, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka habang nakayukod sa pamamagitan ng paglagay mo ng mga palad mo sa mga tuhod mo, mag-unat ka ng likod mo, magpakatatag ka sa pagkakayukod mo, pagkatapos umangat ka, magtuwid ka ng gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa mga kasukasuan ng mga ito, at tumuwid ka habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka habang nakapatirapa sa pamamagitan ng pagkalapag mo ng noo kasama ng ilong, mga kamay, mga tuhod, at mga dulo ng mga daliri ng mga paa sa lapag, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka habang nakaupo sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa, pagkatapos gumawa ka niyan sa bawat rak`ah ng pagdarasal mo."

فوائد الحديث

Ang mga haliging ito para sa ṣalāh ay hindi naaalis: hindi ng pagkalingat at hindi ng pagkamangmang, dahil sa patunay ng pag-uutos sa nagdarasal ng pag-uulit. Hindi nagkasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtuturo rito.

Ang kapanatagan ay isang haliging kabilang sa mga haligi ng ṣalāh.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito na ang sinumang kumalas sa ilan sa mga kinakailangan (Wajib) sa ṣalāh, hindi natutumpak ang ṣalāh niya.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang kalumanayan sa nagpapakatuto at mangmang, ang pakikipagmagalang sa kanya, ang pagbibigay-liwanag sa usapin sa kanya, ang pagbubuod ng mga pakay, ang pagkakasya sa karapatan niya sa mahalaga hindi sa mga panlubos na hindi naisasaposibilidad ang kalagayan niya sa pangangalaga sa mga ito at pagsasagawa sa mga ito.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito na ang tagapagbigay ng fatwā, kapag tinanong siya tungkol sa isang bagay at mayroong isang iba pang bagay na nangangailangan doon ang tagapagtanong at hindi naman ito nagtanong tungkol doon, ay isinakaibig-ibig para sa kanya na bumanggit niyon rito. Ito ay magiging bahagi ng pagpapayo, hindi ng pagsasalita kaugnay sa walang pinatutungkulan.

Ang kainaman ng pag-amin sa pagkukulang batay sa sabi nito: "hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin."

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama at ang paghiling ng nagpapakatuto mula sa nakaaalam na magturo ito sa kanya.

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbati sa sandali ng pagkikita at ang pagkakinakailangan ng pagtugon sa kanya at na isinakaibig-ibig ang pag-ulit nito kapag naulit ang pagkikita kahit pa malapit ang panahon ng pagkikita at na kinakailangan ang pagtugon sa kanya sa bawat pagkakataon.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh