إعدادات العرض
Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit
Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit
Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली తెలుగు Bosanski ಕನ್ನಡ Kurdî മലയാളം Oromoo Română Italiano Soomaali Shqip Српски Українська Wolof Mooreالشرح
Pumunta si `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay bumalakid nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko, nagkait nga sa akin ng kataimtiman dito, nagpalito nga sa akin sa pagbigkas ko, at nagpaduda nga sa akin dito." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, mangunyapit ka kay Allāh, manalangin ka kay Allāh ng pagkupkop laban diyan, at umihip ka sa kaliwa mo kasama ng kaunting laway nang tatlong ulit." Nagsabi si `Uthmān: "Kaya ginawa ko ang ipinag-utos sa akin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka inalis iyon ni Allāh sa akin."فوائد الحديث
Ang kahalagahan ng kataimtiman at pagdalo ng puso sa pagsasagawa ng ṣalāh at na ang demonyo ay nagsusumikap sa pambubulabog at pagpapaduda rito.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapakamapagpakupkop laban sa demonyo sa sandali ng panunulsol nito sa pagsasagawa ng ṣalāh kasama ng paglura sa kaliwa nang tatlong ulit.
Ang paglilinaw sa gawi ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) na pagsangguni nila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nangyayari sa kanila na mga suliranin, nang sa gayon lumutas siya nito para sa kanila.
Ang buhay ng puso ng mga Kasamahan at na ang alalahanin nila ay ang Kabilang-buhay.