إعدادات العرض
{Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān
{Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa kanya at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Sa isang pananalita batay sa dalawa: Tunay na si Allāh ay ang Sakdal. Kaya naman kapag naupo ang isa sa inyo sa ṣalāh, sabihin niya: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh.)" Kapag nagsabi siya nito, mapatutungkol ito sa bawat maayos na lingkod ni Allāh sa lupa at langit. [Pagkatapos sabihin:] "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Pagkatapos makapipili siya mula sa mahihiling ng anumang niloloob niya.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili Svenska Čeština ગુજરાતી Yorùbá Tiếng Việt ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Kinyarwanda Română తెలుగు Lietuvių Oromoo മലയാളം Nederlands Soomaali Shqip Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Moore ქართული Azərbaycan Magyar தமிழ் Македонски Wolof မြန်မာ አማርኛالشرح
Itinuro ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) ang tashahhud na sinasabi sa ṣalāh. Inilagay nga ng Propeta ang kamay ni Ibnu Mas`ūd sa mga kamay niya upang mabaling ang pansin nito sa kanya gaya ng pagtuturo niya rito ng kabanata mula sa Qur'ān, na nagpapatunay sa pagmamalasakit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tashahhud na ito sa bigkas at sa kahulugan. Nagsabi siya: "Attaḥīyātu lillāhi (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh,)": Ang mga ito ay bawat sinasabi o ginagawang nagpapahiwatig ng pagdakila, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "wa-ṣṣalawātu (at ang mga dasal)": Ang mga ito ay ang ṣalāh na nakilala, ang tungkulin sa mga ito at ang kusang-loob sa mga ito ay ukol kay Allāh (napakataas Siya). "wa-ṭṭayyibāt (at mga kaaya-aya)": Ang mga ito ay ang mga sinasabi, ang mga ginagawa, at ang mga paglalarawang kaaya-aya at nagpapatunay sa kalubusan, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya). "Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, (Ang pangangalaga ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya.)": Isang panalangin para sa kanya ng pagkaligtas sa bawat salot at kinasusuklaman at ng dagdag at dami ng bawat kabutihan. "Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn (Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh)": Isang panalangin ng pagkaligtas para sa tagapagsagawa ng ṣalāh at para sa bawat maayos na lingkod sa langit at lupa. "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh,)": Ibig sabihin: Kumikilala ako sa isang tiyakang pagkilala rito na walang sinasambang totoo kundi si Allāh. "wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh (at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)": Kumikilala ako para sa kanya ng pagkamananamba at pagkasugong pangwakas. Pagkatapos hinimok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang tagapagsagawa ng ṣalāh na mamili mula sa panalangin ng anumang niloob niya.فوائد الحديث
Ang posisyon ng pagbigkas ng tashahhud ay ang pagkaupo matapos ng huling pagpapatirapa sa bawat ṣalāh at matapos ng ikalawang rak`ah sa mga ṣalāh na tatluhan at apatang rak`ah.
Ang pagkakinakailangan ng mga pagbati sa tashahhud. Pinapayagan na sumambit ng tashahhud sa alinmang porma kabilang sa mga porma ng tashahhud mula sa napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagpayag sa pagdalangin sa loob ng pagsasagawa ng ṣalāh ng anumang inibig hanggat ito ay hindi kasalanan.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsisimula sa sarili sa pagdalangin.
التصنيفات
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh