Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr: (( O Allah! Sumpain mo si pulano at pulano)) pagkatapos niyang sabihin ang: (Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya,Panginoon namin,sa Iyo ang lahat ng Kapurihan)) Ibinaba ni Allah [ang…

Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr: (( O Allah! Sumpain mo si pulano at pulano)) pagkatapos niyang sabihin ang: (Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya,Panginoon namin,sa Iyo ang lahat ng Kapurihan)) Ibinaba ni Allah [ang talatang]:{ Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]}

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-Tunay na narinig niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr: (( O Allah! Sumpain mo si pulano at pulano)) pagkatapos niyang sabihin ang: (Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya,Panginoon namin,sa Iyo ang lahat ng Kapurihan)) Ibinaba ni Allah [ang talatang]:{ Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]} ang talata. At sa isang salaysay: Ipinapanalangin niya si Safwan bin Umayyah,at Suhayl bin `Amr,at Al-Harith bin Hisham;Kaya ibinaba ang talatang: { Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ipinapahayag ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-sa Hadith na ito;Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr,at pagkatapos niyang sabihin ang :((Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya)),Ipinapanalangin niya ang ilan sa mga pinuno ng mga walang pananampalataya,At marahil ay binibigkas niya ang mga pangalan nila,Pinarusahan nila ito sa araw ng Uhud,[kaya] isinusumpa niya sila [na may pagbigkas] sa mga pangalan nila;Ibinaba ni Allah sa kanya ,bilang pangangaral sa kanya,ang talatangpipigil sa kanya rito:{{ Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]},Ito ay sa kadahilanang ,una nang Napag-alaman ni Allah na sila ay yayakap sa Islam,at pagbubutihin nila ang pagyakap nila sa Islam.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh