{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}

{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa sa ṣalāh niya ng limang panalanging ito na nangangailangan ang Muslim sa mga ito nang isang mabigat na pangangailangan. Naglaman ang mga ito ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay gaya ng paghingi ng kapatawaran; pagtakip sa mga pagkakasala at pagpapalampas sa mga ito; pagpapasagana ng awa; pagkaligtas sa mga maling akala, mga pagnanasa, at mga sakit at mga karamdaman; at paghingi kay Allāh ng kapatnubayan sa katotohanan at katatagan dito. Ang panustos ay mula sa pananampalataya, kaalaman, at maayos na gawa, at mula sa yamang ipinahihintulot na kaaya-aya.

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito sa pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa.

Ang kainaman ng mga panalanging ito dahil sa nilaman ng mga ito na kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh, Ang mga Dhikr sa Ṣalāh