إعدادات العرض
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو हिन्दी 中文 Kurdî Português Русский Nederlands অসমীয়া ગુજરાતી Tiếng Việt Kiswahili አማርኛ پښتو සිංහල Hausa ไทย മലയാളം नेपालीالشرح
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig na bumigkas sa dalawang rak`ah ng kusang-loob [na ṣalāh] sa madaling-araw matapos ng Al-Fātiḥah ng Kabanatang Al-Kāfirūn sa unang rak`ah at ng Kabanatang Al-Ikhlāṣ sa ikalawang rak`ah.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbigkas ng dalawang kabanatang ito matapos ng Al-Fātiḥah sa sunnah sa madaling-araw.
Ang dalawang kabanatang ito ay tinatawag na Kabanatang Al-Ikhlāṣ dahil nasaad sa Kabanatang Al-Kāfirūn ang kawalang-kaugnayan sa lahat ng sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh at na sila rin ay hindi mga lingkod ni Allāh dahil ang pagtatambal nila ay nagpapabagsak ng mga gawa nila at na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang karapat-dapat sa pagsamba at dahil nasaad sa Kabanatang Al-Ikhlāṣ ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ang pagpapakawagas sa Kanya, at ang paglilinaw sa mga katangian Niya.
التصنيفات
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh