إعدادات العرض
'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr
'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr
Ayon kay Ḥiṭṭān bin `Abdillāh Ar-Raqāshīy na nagsabi: {Nagdasal ako kasama ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy ng isang ṣalāh. Noong siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Kinilala ang ṣalāh kalakip ng pagsasamabuting-loob at zakāh."} Nagsabi [ang tagapagsalaysay]: {Noong nakatapos si Abū Mūsā ng ṣalāh at nakapagsagawa ng taslīm, bumaling siya [sa mga tao] saka nagsabi: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng salitang ganito at gayon?"} Nagsabi [ang tagapagsalaysay]: {Kaya nagsawalang-kibo ang mga tao, pagkatapos nagsabi siya: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng pangungusap na ganito at gayon?" Kaya nagsawalang-kibo ang mga tao, saka nagsabi siya: "Marahil ikaw, O Ḥiṭṭān, ay nagsabi niyon?" Nagsabi ito: "Hindi ako ang nagsabi niyon. Talaga ngang nasindak ako na bumulyaw ka sa akin dahil doon." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Ako ay nagsabi niyon. Hindi ako nagnais niyon kundi ng kabutihan." Kaya nagsabi si Abū Mūsā: "Hindi ba kayo nakaaalam kung papaano kayong magsasabi sa ṣalāh ninyo? Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa atin saka naglinaw sa atin ng sunnah natin at nagturo sa atin ng ṣalāh natin sapagkat nagsabi siya: 'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr. Kapag nagsabi siya ng (Qur'ān 1:7): {ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsabi kayo ng āmīn, sasagot sa inyo si Allāh. Kapag nagsagawa siya ng takbīr at yumukod, magsagawa kayo ng takbīr at yumukod kayo ngunit tunay na ang imām ay yuyukod bago ninyo at aangat bago ninyo.' Nagsabi pa ang Sugo ni Allāh: 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag nagsabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," magsabi kayo ng: Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa iyo ang papuri)," didinig si Allāh sa inyo.' Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa pamamagitan ng dila ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): "Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya." Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr at magpatirapa kayo ngunit tunay na ang imām ay nagpapatirapa bago ninyo at umaangat bago ninyo.' Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, maging kabilang sa una sa sasabihin ng isa sa inyo ang: "Attaḥiyātu –ṭṭayyibātu –ṣṣalawātu lillāh; assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh; assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi ṣṣāliḥīn; ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbating kaaya-aya [at] ang mga pagbasbas ay ukol kay Allāh. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)'"}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली മലയാളം తెలుగు Bosanski Italiano ಕನ್ನಡ Kurdî Oromoo Română Soomaali Shqip Српски Moore Українська Wolof Malagasy தமிழ் Azərbaycan فارسی ქართული 中文 Magyarالشرح
Nagsagawa ang Kasamahang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy ng isang ṣalāh. Noong siya ay nasa sandali ng pagkakaupo na sinasambit dito ang tashahhud, may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga nagdarasal sa likuran niya: "Iniugnay ang ṣalāh sa Qur'ān sa pagsasamabuting-loob at ang zakāh." Noong nagwakas si Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) sa pagsasagawa ng ṣalāh, dumako siya mga ma'mūm saka nagtanong sa kanila: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng isang pangungusap na: Iniugnay ang ṣalāh sa Qur'ān sa pagsasamabuting-loob at ang zakāh?" Kaya tumahimik ang mga tao at walang nagsalita mula sa kanila na isa man. Kaya inulit niya sa kanila ang tanong sa isa pang pagkakataon, ngunit walang tumugon sa kanya na isa man. Nagsabi si Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): "Marahil ikaw, O Ḥiṭṭān, ay nagsabi niyon?" dahil sa kawalang-ingat nito at kalapitan nito sa kanya at kaugnayan nito sa kanya, na hindi makapeperhuwisyo rito ang pagparatang dito, at upang maitulak ang tunay na nagsabi sa pag-amin. Nagkaila si Ḥiṭṭān niyon at nagsabi ito: "Talaga ngang nangamba ako na manumbat ka sa akin dala ng isang pagpapalagay mula sa iyo na ako ay nagsabi niyon." Dito ay may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Ako ay nagsabi niyon. Hindi ako nagpakay niyon kundi ng isang kabutihan." Kaya nagsabi si Abū Mūsā habang nagtuturo rito: "Hindi ba kayo nakaaalam kung papaano kayong magsasabi sa ṣalāh ninyo?" Ito ay isang pagmamasama mula sa kanya. Pagkatapos nagpabatid si Abū Mūsā na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa kanila minsan saka naglinaw sa kanila ng Batas nila at nagturo sa kanila ng ṣalāh nila sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo at magpakatuwid kayo sa mga ito. Pagkatapos may mamumuno sa mga tao na isa sa kanila. Kapag nagsagawa ang imām ng takbīr ng pagpapasimula, magsagawa kayo ng takbīr tulad niya. Kapag bumigkas siya ng Al-Fātiḥah at umabot siya sa (Qur'ān 1:7): {hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsabi kayo ng āmīn; sapagkat kapag ginawa ninyo iyon, tutugon sa inyo si Allāh sa panalangin ninyo. Kapag naman nagsagawa siya ng takbīr at yumukod, magsagawa kayo ng takbīr at yumukod kayo ngunit tunay na ang imām ay yumuyukod bago ninyo at umaangat bago ninyo. Huwag kayong mauna sa kanya dahil ang sandali na nauna sa inyo ang imām doon sa pangunguna niya sa pagyukod ay natutumbasan para sa inyo dahil sa pagpapahuli ninyo sa pagyukod matapos ng pagkaangat niya ng isang sandali. Kaya naman ang sandaling iyan ay katumbas ng sandaling iyon. Ang sukat ng pagyukod ninyo ay naging gaya ng sukat ng pagyukod niya. Kapag nagsabi ang imām ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," magsabi kayo ng: "Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa iyo ang papuri)." Kapag nagsabi niyon ang mga tagapagsagawa ng ṣalāh, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay didinig sa panalangin nila at sabi nila. Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa pamamagitan ng dila ng Propeta Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya." Pagkatapos kapag nagsagawa ng takbīr ang imām at nagpatirapa, kailangan sa mga ma'mūm na magsagawa ng takbīr at magpatirapa ngunit tunay na ang imām ay nagpapatirapa bago nila at nag-aangat bago nila. Kaya naman ang sandaling iyan ay katumbas ng sandaling iyon. Ang sukat ng pagpapatirapa ng ma'mūm ay naging gaya ng sukat ng pagpapatirapa ng imām. Kapag siya ay nasa sandali ng pagkaupo para sa tashahhud, ang kauna-unahang sasabihin ng tagapagsagawa ng ṣalāh ay: "Attaḥiyātu lillāh wa-ṣṣalawātu -ṭṭayyibāt. – (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh at ang mga panalanging kaaya-aya.)" – sapagkat ang paghahari, ang pamamalagi, at ang pagkadakila sa kabuuan ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya) at gayon din ang limang ṣalāh, ang lahat ng mga ito ay ukol kay Allāh – "Assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi ṣṣāliḥīn. … (Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pangangalaga ay sumaamin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. …)" Kaya dumalangin kayo kay Allāh ng kaligtasan sa bawat kapintasan, salot, kakulangan, at katiwalian. Nagtatangi tayo sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbati. Pagkatapos bumabati tayo sa mga sarili natin. Pagkatapos bumabati tayo sa mga maayos na lingkod ni Allāh, na mga tagapagsagawa ng kinakailangan sa kanila na mga karapatan ni Allāh (napakataas Siya) at mga karapatan ng mga lingkod Niya. Pagkatapos sumasaksi tayo na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi tayo na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa isang anyo kabilang sa mga anyo ng tashahhud.
Ang mga ginagawa sa ṣalāh at ang mga sinasabi rito ay kailangan na maging kabilang sa napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kaya naman hindi pinapayagan sa isa man na gumawa ng bid`ah dito sa sinasabi o ginagawa na hindi napagtibay sa Sunnah.
Ang hindi pagpayag sa pakikipag-unahan sa imām at ang pagpapahuli sa kanya. Ang isinasabatas para sa ma'mūm ay ang pakikisunuran sa imām sa mga ginagawa nito.
Ang pagbanggit sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagpapahalaga sa pagpapaabot at pagtuturo sa Kalipunan niya ng mga patakaran ng Relihiyon.
Ang imām ay ang tinutularan para sa ma'mūm. Kaya naman hindi pinapayagan dito na makipag-unahan sa kanya sa mga gawain ng ṣalāh ni makipagsabayan sa kanya ni magpahuli sa kanya; bagkus ang simula ng pakikipagsunuran nito ay matapos ng pagkatiyak nito sa pagkapasok niya sa gawain na ninanais na gawin at na ang sunnah ay ang pagsunod sa kanya doon.
Ang pagkaisinasabatas ng pagtutuwid ng mga hanay sa ṣalāh.