إعدادات العرض
{Ang Sugo ni Allah (s) ay nagpapasimula ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbir at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah
{Ang Sugo ni Allah (s) ay nagpapasimula ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbir at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allah (s) ay nagpapasimula ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbir at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah. Kapag yumukod siya, hindi siya nagtataas ng ulo niya at hindi siya nagbababa nito, subalit sa pagitan niyon. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakatayo. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakaupo. Nagsasabi siya sa bawat dalawang rak`ah ng tashahhud. Naglalatag siya ng kaliwang paa niya at nagtutukod siya ng kanang paa niya. Sumasaway siya laban sa [pag-upo sa] sakong ng demonyo at sumasaway siya laban sa paglapag ng lalaki ng mga braso niya gaya ng paglapag ng mabangis na hayop. Nagpapawakas siya ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî دری Македонски Tiếng Việt Magyar ქართული ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Kiswahili ગુજરાતીالشرح
Bumanggit ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng pagsasagawa ng salah ng Propeta (s), na siya ay nagpapasimula ng salah niya sa pamamagian ng pagsasagawa ng takbir ng pagpapasimula sapagkat nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" at nagpapasimula ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥh: {Alḥmdu lillāhi rabbi -l`ālamīn ... (Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang ...)} Kapag yumukod siya matapos ng pagkakatayo, hindi siya nag-aangat ng ulo niya at hindi siya nagbaba nito sa sandali ng pagkayukod; bagkus gumawa siya nito na nakapuwestong tuwid. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, tumutuwid siya habang nakatayo bago siya magpatirapa. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa ng ikalawa hanggang sa pumirmi siya habang nakaupo. Nakaupo siya matapos ng bawat dalawang rak`ah para sumambit ng tashahhud at nagsasabi siya ng: "At-taḥīyātu lillāh wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt … (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, ang mga dasal, at ang mga mabuting bagay …)" Kapag naupo siya sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa o para sa tashahhud, naglalatag siya ng kaliwang paa niya, umuupo rito, at nagtutukod ng kanang paa niya. Sumasaway siya na maupo ang nagdarasal sa salah niya gaya ng pag-upo ng demonyo. Iyon ay sa pamamagitan ng paglatag niya ng mga paa niya sa lapag at pag-upo niya sa mga sakong niya o pagdiit niya ng mga pigi niya sa lapag at pagtukod ng mga binti niya at paglagay niya ng mga kamay niya sa lapag gaya ng paglatag ng aso; o na maglatag ang nagdarasal ng mga braso niya at mag-unat ng mga ito sa pagpapatirapa gaya ng paglatag ng mga mabangis na hayop. Nagpapawakas siya ng salah niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslim, na pagsabi ng: "As-salāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)" habang lumilingon sa kanan nang isang ulit at nang isa pa sa kaliwa.فوائد الحديث
Ang paglilinaw ng ilan sa katangia ng salah ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Ang pagkakinakailangan ng takbīratul'iḥrām na nababawal ang bawat sinasabi at ginagawang sumasalungat sa mga sinasabi sa salah at mga ginagagawa rito, at na ang iba pa sa pormularyong ito ay hindi naipapalit dito para sa pagpasok sa pagsasagawa ng salaha.
Ang pagkakinakailangan ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah.
Ang pagkakinakailangan ng pagyukod at ang pinakamainam dito ay ang pagtutuwid ng likod nang walang pagkaangat at pagkababa.
Ang pagkakinakailangan ng pag-angat mula sa pagkakayukod at ang pagkakinakailangan ng pagtuwid sa pagkakatayo matapos niyon.
Ang pagkakinakailangan ng pagpapatirapa at ang pagkakinakailangan ng pag-angat mula rito at pagtuwid habang nakaupo matapos niyon.
Ang pagkaisinasabatas ng paglatag ng tagapagsagawa ng salah ng kaliwang paa niya at pagtukod ng kanang paa sa pag-upo sa salah. Hinggil naman sa pagsasagawa ng huling tashahhud sa salah na may dalawang tashahhud gaya ng maghrib at `ishā', ang isinasabatas ay ang pag-upong tawarruk, na may nasaad na hinggil doon na maraming iba pang hadith.
Ang pagbabawal sa pakikiwangis sa demonyo sa pag-upo nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-upo sa mga sakong niya at paglatag ng mga paa niya sa lapag o pagtukod ng mga paa at pag-upo sa pagitan ng mga ito sa lapag.
Ang pagbabawal sa pakikiwangis sa mabangis na hayop sa paglatag nito [ng mga pata]. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-unat ng tagapagsagawa ng salah ng mga braso niya sa lapag sapagkat tunay na ito ay tanda ng katamaran at kahinaan.
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa demonyo at mga hayop sa mga gawain ng mga ito.
Ang pagkakinakailangan ng pagpapawakas sa salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslim, na isang panalangin para sa mga tagapagsagawa ng salah, mga nakadalo, at mga nakalibang maayos na tao, ng kaligtasan sa lahat ng mga kasamaan at mga kakulangan.
Ang pagkakinakailangan ng kapanatagan sa pagsasagawa ng salah.
