إعدادات العرض
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya noon ay nagsasagawa ng takbīr sa bawat ṣalāh na isinatungkulin at iba pa rito, sa Ramaḍān at iba pa rito. Nagsasagawa siya ng takbīr kapag nakatayo siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag yuyukod siya. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)" bago siya magpatirapa. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kapag bumababa siya para magpatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag magpapatirapa siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag tumatayo siya mula sa pagkakaupo sa dalawa. Gumagawa siya niyon sa bawat rak`ah hanggang sa makatapos siya sa ṣalāh. Pagkatapos nagsasabi siya kapag lilisan: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली తెలుగు Bosanski Italiano ಕನ್ನಡ Kurdî മലയാളം Oromoo Română Soomaali Shqip Српски Українська Wolof Mooreالشرح
Nagsasalaysay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) ng isang bahagi ng katangian ng pagsasagawa ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpapabatid ito na siya, kapag bumangon siya para sa magsagawa ng ṣalāh, ay nagsasagawa ng takbīr kapag nakatayo siya para sa panimulang takbīr. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag lilipat siya tungo sa pagyukod, kapag magpapatirapa siya, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, kapag magpapatirapa siya para sa ikalawang pagpapatirapa, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula rito, at kapag tatayo siya mula sa unang dalawang rak`ah matapos ng pagkaupo para sa unang tashahhud sa ṣalāh na tatluhan o apatang rak`ah. Pagkatapos gagawa siya niyon sa ṣalāh sa kabuuan nito hanggang sa makatapos siya nito. Nagsasabi siya, kapag nag-aangat ng likod niya mula sa pagkakayukod, ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya, habang siya ay nakatayo, ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)." Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) kapag lilisan siya sa ṣalāh: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay ang pamamaraan ng ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."فوائد الحديث
Ang takbīr ay sa sandali ng bawat pagbaba at pag-angat maliban sa pag-angat mula sa pagkakayukod sapagkat magsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)."
Ang sigasig ng mga Kasamahan sa pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pag-iingat sa Sunnah niya.
التصنيفات
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh