إعدادات العرض
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,binibigkas niya ang [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo,pagkatapos ay binibigkas niya ang [Allahu Akbar]", kapag siya ay yumuyuko,Pagkatapos ay sinasabi niyang:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri…
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,binibigkas niya ang [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo,pagkatapos ay binibigkas niya ang [Allahu Akbar]", kapag siya ay yumuyuko,Pagkatapos ay sinasabi niyang:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,Kapag itinataas niya ang kanyang likod mula sa pagyuko
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo,pagkatapos binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila [Allahu Akbar]", kapag siya ay yumuyuko,Pagkatapos ay sinasabi niyang:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,Kapag itinataas niya ang kanyang likod mula sa pagyuko,Pagkatapos ay sinasabi niya habang siya ay nakatayo: "O Aming Panginoon,sa Iyo ang ng Papuri", binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay bumababa, Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay nagpapatirapa,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa lahat ng pagdarasal niya hanggang sa matapos siya,at binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo sa pangalawa pagkatapos ng pag-upo,Pagkatapos ay sinabi ni Abe Hurayrah: (( Ako ang tunay [na nag-aangkin ng] paghahawig sa inyo sa pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Ang lahat ng pagdarasal ay pagdadakila kay Allah sa pamamagitan ng pananalita at gawa,Sa marangal na Hadith na ito ay pagpapahayag sa tanda ng pagdarasal at ito ang pagtitibay sa Kadakilanaan ni Allah Napamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,At ang Pagdadakila,ito ay hindi ginawa bilang tanda niya at paglalarawan sa kanya, maliban sa ito ay ipinag-utos upang Dakilain ang Allah at Purihin Siya.Kayat sa oras na papasok siya rito,bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] na tinatawag na Takbiratul Ihram,habang siya ay nakatayo sa matuwid na pagtayo.At kapag siya ay natapos sa pagbabasa at bababa siya sa pagyuko,bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] At kapag bumangon siya mula sa pagyuko;Sinasabi niyang: "Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya" at itutuwid niya ang kanyang pagtayo,Pagkatapos ay Pupurihin niya si Allah at magpapasalamat sa Kanya,sa [kalagayang] pagtayo:Pagkatapos ay bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] kapag siya ay bumaba sa pagpapatirapa,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,Pagkatapos ay ginagawa niya lahat ito sa lahat ng pagdarasal niya,At kapag tumayo siya mula sa Tashahhud Al-Awwal sa pagdarasal na may dalawang Tashahhud,binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],sa kalagayan ng pagtindig niya,at itinalaga sa batas ng Islam ,sa bawat paglipat [ng galaw] ang Pagbigkas ng Allahu Akbar,maliban sa pagbangon mula sa pagyuko.التصنيفات
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh