Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar na nagsasabi:((Lumabas ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Qubā upang magdasal rito)),Nagsabi siya:(( Dumating sa kanya ang mga Ansār,Bumati sila sa kanya habang siya ay nagdadasal))Nagsabi siya:Nagsabi ako kay Bilāl: Papaano mo nakita ang Sugo ni…

Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar na nagsasabi:((Lumabas ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Qubā upang magdasal rito)),Nagsabi siya:(( Dumating sa kanya ang mga Ansār,Bumati sila sa kanya habang siya ay nagdadasal))Nagsabi siya:Nagsabi ako kay Bilāl: Papaano mo nakita ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - na sumagot sa kanila nang sila ay bumati sa kanya habang siya ay nagdadasal?" Nagsabi siya:Sinasabi niya na ganito;At ibinuka niya ang kamay niya,at ginawa niyang, ang sa palad nito ay sa ilalim at ang likod nito ay sa ibabaw.Sunan Abē Dawūd

Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar na nagsasabi:((Lumabas ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Qubā upang magdasal rito)),Nagsabi siya:(( Dumating sa kanya ang mga Ansār,Bumati sila sa kanya habang siya ay nagdadasal))Nagsabi siya:Nagsabi ako kay Bilāl: Papaano mo nakita ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - na sumagot sa kanila nang sila ay bumati sa kanya habang siya ay nagdadasal?" Nagsabi siya:Sinasabi niya na ganito;At ibinuka niya ang kamay niya,at ginawa niyang, ang sa palad nito ay sa ilalim at ang likod nito ay sa ibabaw.

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Ipinapahayag sa marangal na Hadith ang pagpapahintulot sa pagsagot ng pagbati sa pamamagitan ng senyales sa panahon ng pagdarasal dahil sa ginawa ito ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga Ansār,nang batiin nila siya habang siya ay nagdadasal sa Masjid ng Qubā,at ang pamamaraan nito ay sa (pamamagitan ng ) pagbuka sa kamay lamang.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh