Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi…

Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi niya [masyadong] ibinababa ito,ngunit sa pagitan nito.

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi niya [masyadong] ibinababa ito,ngunit sa pagitan nito,At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,Hindi siya magpapatirapa hanggang sa maging matuwid siya sa pagtayo,At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,hindi siya magpapatirapa hanggang sa maging matuwid siya sa pag-upo,At sinasabi niya sa bawat dalawang tindig ang Pagbati [Attahiyyah],at pinapahiga niya ang kaliwang paa niya at pinapatindig niya ang kanang paa niya,at ipinagbawal niya ang pag-upo sa dulo ng paa [tulad ng gawain ni] Satanas,at ipinagbawal niya ang paglagay ng isang lalaki sa dalawang braso niya tulad ng paglagay ng hayop [rito],at tinatapos niya ang pagdarasal sa pagsasagawa ng Taslem.

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Inilalarawan ni Aishah malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na ito na marangal ang Pagdadasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bilang pagpapalaganap sa Sunnah ay pagpapa-abot ng kaalaman,na siya ay nagbubungad sa pagdarasal ng Takbiratul Ihram at sinasabi niyang:( Si Allah ay Dakila) ay nagbubungad siya sa pagbabasa ng Pambungad ng Aklat na ang simula niya ay (Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang) At kapag siya ay yumuko pagkatapos ng pagtayo,hindi itinataas ang ulo niya at hindi rin niya ibinababa,ngunit ginagawa niya itong pantay at matuwid,At kapag siya ay tumaas mula sa pagyuko,tumutuwid siya sa pagtayo bago siya magpatirapa,at kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,hindi siya magpapatirapa hanggang sa maging matuwid siya sa pag-upo,At sinasabi niya sa bawat dalawang tindig kapag siya ay naka-upo:" Ang lahat ng mga pagbati ay para sa Allah,ang mga dasal at ang mga mabubuting bagay ay para sa Allah atbp" At kapag siya ay umupo,pinapahiga niya ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito at pinapatindig niya ang kanang paa niya,at ipingbabawal niya ang pag-upo ng nagdadasal sa pagdarasal niya ang tulad ng pag-upo ni Satanas,at ito ay ang pagpapahiga sa dalawang paa niyasa lupa at uupo siya sa dulo ng paa niya, o itatayo niya ang dalawang paa niya,pagkatapos ay ilalagay niya ang puwit niya sa pagitan nilang dalawa sa lupa,ang dalawang ito ay ipinagbabawal,Gayundin ang pagbabawal niya sa pag-uunat ng nagdarasal sa dalawang braso niya at pagpapa-unat nito sa pagpapatirapa tulad ng pagpapahiga [pag-unat ng braso ng] ng hayop.At tulad ng pagbungad niya sa pagdarasal sa pagluluwalhati kay Allah at pagdadakila sa Kanya-Tinapos niya ito sa pananalangin ng Pangangalaga sa mga nakakapalibot na mga Anghel at mga nagdarasal,pagkatapos ay sa lahat ng alipin ni Allah na mabubuti,at sa mga una at sa mga huli,Kaya nararapat sa nagdarasal na pukawin niya ang pangkalahatang ito sa kanyang panalangin.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh