إعدادات العرض
Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)
Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay humihingi ng tawad nang tatlong ulit (istighfār) at nagsasabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Nagsabi si Al-Walīd: "Kaya nagsabi ako kay Al-Awzā`īy: Papaano ang paghingi ng tawad?" Nagsabi ito: "Magsasabi ka ng: Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)"}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ ไทย 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Kinyarwanda नेपाली Română Српски Soomaali Moore Deutsch Українська Български Wolof Azərbaycan ქართული тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi kapag nagwakas siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya: "Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)" Pagkatapos dumadakila siya sa Panginoon niya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Si Allāh ay ang Sakdal, ang Lubos sa mga katangian Niya, ang pinawalang-kinalaman sa bawat kapintasan at kakulangan. Hinihiling mo mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) ang kaligtasan mula sa mga kasamaan sa Mundo at Kabilang-buhay, hindi mula sa iba pa sa Kanya. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagsidamihan nga sa kabutihan Niya sa Mundo at Kabilang-buhay. Siya ay ang Tagapagtaglay ng kadakilaan at paggawa ng maganda.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng paghingi ng tawad kaagad matapos ng ṣalāh at ang pagpapamalagi nito.
Ang pagsasakaibig-ibig ng paghingi ng tawad para sa pagsasalubos ng kakulangan sa pagsamba at bilang pampuno para sa pagtalima at pagkukulang dito.
التصنيفات
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh