Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}

Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}

[Tumpak]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga bagay na ang paggawa ng mga ito ay kabilang sa Shirk. Kabilang sa mga ito: UNA: Ang mga orasyon: ang pananalita na ipinanggagamot ng mga kampon ng Kamangmangan, na naglalaman ng Shirk. IKALAWA: Ang mga agimat: mula sa mga abaloryo (beads) at tulad nito na isinasabit sa mga bata, mga hayop, at iba pa sa mga ito para sa pagtulak sa usog. IKATLO: Ang gayuma: ang ginagawa para paibigin ang isa sa mag-asawa sa asawa nito. Ang mga bagay na ito ay bahagi ng Shirk dahil ang mga ito ay bahagi ng paggawa sa isang bagay bilang kadahilanan samantalang ito ay hindi naman isang kadahilanang legal na pinagtibay ng patunay at hindi isang kadahilanang pisikal na pinagtibay ng eksperimento. Hinggil naman sa mga kadahilanang legal gaya ng pagbigkas ng Qur'ān o pisikal gaya ng mga gamot na pinagtibay ng eksperimento, ang mga ito ay pinapayagan kasabay ng paniniwala na ang mga ito ay mga kadahilanan at na ang pakinabang at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh.

فوائد الحديث

Ang pangangalaga sa Tawḥīd at Pinaniniwalaan laban sa nakasisira sa mga ito.

Ang pagbabawal sa paggamit ng mga orasyong makashirk o mga agimat o gayuma.

Ang paniniwala ng tao sa tatlong ito na ang mga ito ay mga kadahilanan ay Maliit na Shirk dahil ito ay paggawa sa hindi naman kadahilanan bilang kadahilanan. Hinggil naman sa kung naniwala na ang mga ito ay nagpapakinabang at nakapipinsala mismo, iyon ay Malaking Shirk.

Ang pagbibigay-babala laban sa paggawa ng mga kadahilanang makashirk at ipinagbabawal.

Ang pagbabawal sa mga orasyon at na ang mga ito ay bahagi ng Shirk maliban sa anumang orasyon na isinabatas sa Islām.

Nararapat ang pagkahumaling ng puso kay Allāh – tanging sa Kanya – sapagkat mula sa Kanya ang pakinabang at ang pinsala – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – sapagkat walang naghahatid ng kabutihan kundi si Allāh at walang nagtutulak ng kasamaan kundi si Allāh (napakataas Siya).

Ang mga orasyon (ruqyah) na pinapayagan ay ang naglalaman ng tatlong kundisyon: 1. na maniwala na ito ay isang kadahilanan at hindi nagpapakinabang malibang ayon sa pahintulot ni Allāh; 2. na ito ay sa pamamagitan ng Qur'ān, mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya, mga panalanging pampropeta, at mga panalanging isinabatas sa Islām; 3. na ito ay nasa isang wikang naiintindihan at hindi naglalaman ng mga panghalina (charm) at karunungang itim.

التصنيفات

Ang Ruqyah na Pang-Sharī`ah