{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo,

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo,

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo, pagkatapos nagsisingit ng kamay niya sa buhok niya. Hanggang sa kapag nakapagpalagay siya na siya ay nakabasa na ng anit nito, nagbubuhos naman siya rito ng tubig nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya.} Nagsabi pa ito: {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siyang maligo dahil sa janābah, ay nagsisimula sa paghuhugas ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng wuḍū' kung paanong nagsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh. Pagkatapos nagbubuhos siya ng tubig sa katawan niya. Pagkatapos nagsisingit siya [ng mga daliri] ng mga kamay niya sa buhok ng ulo niya; hanggang sa kapag nagpalagay siya na nakaabot ang tubig sa mga tinutubuan ng buhok at nabasa ang anit, nagbubuhos naman siya ng tubig sa ulo niya nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya. Nagsabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}

فوائد الحديث

Ang paligo (ghusl) ay dalawang uri: nakasasapat at kumpleto. Hinggil sa paligong nakasasapat, maglalayon ang tao na pagdadalisay (ṭahārah), pagkatapos magbubuhos siya ng tubig sa buong katawan niya kasama ng pagmumumog at pagsinga ng tubig. Hinggil naman sa paligong kumpleto, maliligo siya kung paanong naligo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nasaad sa ḥadīth na ito.

Itinataguri ang janābah sa sinumang nagpalabas ng punlay (manīy) o nakipagtalik kahit pa hindi nakapagpalabas nito.

Ang pagpayag sa pagtingin ng isa sa mag-asawa sa kahubaran ng isa at pagpaligo nilang dalawa mula sa iisang lalagyan ng tubig.

التصنيفات

Ang Ghusl