إعدادات العرض
Kapag pumunta kayo sa palikuran, huwag kayong humarap sa qiblah at huwag kayong tumalikod dito; subalit magpasilangan kayo o magpakanluran kayo
Kapag pumunta kayo sa palikuran, huwag kayong humarap sa qiblah at huwag kayong tumalikod dito; subalit magpasilangan kayo o magpakanluran kayo
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag pumunta kayo sa palikuran, huwag kayong humarap sa qiblah at huwag kayong tumalikod dito; subalit magpasilangan kayo o magpakanluran kayo." Nagsabi si Abū Ayyūb: "Dumating kami sa Shām saka nakatagpo kami ng mga kubeta na itinayong nakaharap sa qiblah kaya lumilihis kami at humihingi kami ng tawad kay Allāh (napakataas Siya)."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Українська Čeština Magyar Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ O‘zbek ភាសាខ្មែរالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagnais tumugon sa tawag ng kalikasan niya na pag-ihi o pagdumi laban sa pagharap sa qiblah sa dako ng Ka`bah at laban sa pagtalikod doon sa pamamagitan ng paglagay niya rito sa likuran ng likod niya; bagkus kailangan sa kanya na lumihis paiwas doon sa dako ng silangan o kanluran kapag ang qiblah niya ay gaya ng qiblah ng mga naninirahan sa Madīnah. Pagkatapos nagpabatid si Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya) na sila, noong dumating sila sa Shām, ay nakatagpo roon na ang mga kubetang inihanda para sa pagtugon sa tawag ng kalikasan ay itinayong nakaharap tungo sa Ka`bah kaya, sila noon ay naglilihis ng mga katawan nila palayo sa qiblah at sa kabila niyon humihingi sila ng tawad kay Allāh.فوائد الحديث
Ang kasanhian doon ay ang pagdakila sa Pinarangalang Ka`bah at ang paggalang dito.
Ang paghingi ng tawad matapos ng paglabas mula sa lugar ng pagtugon ng tawag ng kalikasan.
Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil noong binanggit niya ang pinipigilan, gumabay siya tungo sa pinapayagan.