إعدادات العرض
Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit
Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල አማርኛ অসমীয়া ગુજરાતી Tiếng Việt Nederlands नेपाली پښتو ไทย Svenska മലയാളം Кыргызча Română తెలుగు Malagasy ಕನ್ನಡ Oromoo Српскиالشرح
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghuhugas ng lalagyan nang pitong ulit kapag nagpasok dito ang aso ng dila nito, na ang una sa mga ito ay nasasamahan ng alabok upang ilapat ang tubig matapos nito para matamo ang ganap na kalinisan mula sa karumihan nito at pinsala nito.فوائد الحديث
Ang laway ng aso ay marumi (najis) ayon sa karumihang minarubdob.
Ang pagdila ng aso sa lalagyan ay nagpaparumi rito at nagpaparumi sa tubig na nasa loob nito.
Ang pagdadalisay sa pamamagitan ng alabok at ang pag-uulit nang pitong ulit ay natatangi sa pagdadalisay mula sa pagdila nito hindi sa pag-ihi nito, pagdumi nito, at nalalabi sa pinarumi ng aso.
Ang pamamaraan ng paghuhugas ng lalagyan sa pamamagitan ng alabok ay maglagay sa lalagyan ng tubig at idadagdag dito ang alabok. Pagkatapos huhugasan ang lalagyan sa pamamagitan ng pinaghalong [tubig at alabok na] ito.
Ang hayag na kahulugan ng ḥadīth ay na ito ay lumalahat sa lahat ng mga aso, pati na sa mga aso na nagpahintulot ang Tagapagbatas ng pag-aalaga ng mga ito, tulad ng mga aso ng pangangaso, pagbabantay, at pagpapastol.
Ang sabon at ang detergent ay hindi magagamit na pamalit sa alabok dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumukoy sa alabok.