Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya

Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."

[Tumpak sa pamamagitan ng mga patotoo nito] [Isinaysay ito ni Addaraqutni]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan ang pagtulak ng kapinsalaan sa pamamagitan ng iba't ibang mga uri nito at mga pagkakahayag nito palayo sa sarili at palayo sa mga ibang tao. Kaya naman hindi ipinahihintulot sa isa man na mamerhuwisyo sa sarili niya o sa iba sa kanya nang magkapantay. Hindi ipinahihintulot sa kanya na tapatan ang kapinsalaan ng kapinsalaan dahil ang kapinsalaan ay hindi naaalis sa pamamagitan ng kapinsalaan kundi sa pamamagitan ng ganting-pinsala (qaṣāṣ) nang walang paglabag. Pagkatapos nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang banta sa pagtamo ng kapinsalaan sa sinumang namiminsala sa mga tao at ng pagtamo ng hirap sa sinumang nagpapahirap sa mga tao.

فوائد الحديث

Ang pagsaway laban sa pakikipaggantihan ng higit sa katulad.

Hindi nag-utos si Allāh sa mga lingkod Niya ng anumang pipinsala sa kanila.

Ang pagbabawal sa kapinsalaan at pamiminsala sa sinasabi o ginagawa o pagwawaksi.

Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Kaya ang sinumang nakikipagpinsalaan ay makikipagpinsalaan sa kanya si Allāh at ang sinumang nakipagpahirapan ay makikipagpahirapan sa kanya si Allāh.

Kabilang sa mga tuntunin ng Batas ng Islām na ang kapinsalaan ay inaalis kaya naman ang Batas ng Islām ay hindi tumatanggap sa kapinsalaan at nagkakaila ng pagpinsala.

التصنيفات

Ang mga Panuntunang Pang-fiqh at Pambatayan