Pantayin ninyo ang inyong mga linya,Sapagkat tunay na ang pagpapantay sa mga linya ay kabilang sa pagiging ganap ng pagdarasal

Pantayin ninyo ang inyong mga linya,Sapagkat tunay na ang pagpapantay sa mga linya ay kabilang sa pagiging ganap ng pagdarasal

Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-Marfu: ((Pantayin ninyo ang inyong mga linya,Sapagkat tunay na ang pagpapantay sa mga linya ay kabilang sa pagiging ganap ng pagdarasal))

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ipinapatnubay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang Nasyon ang mga bagay [kung saan ay makakamtan nila dito] ang kabutihan at tagumpay nila.At siya rito-ay nag-uutos sa kanila na pantayin nila ang kanilang mga linya,Kung saan sila ay haharap sa iisang Qiblah.At takpan ang mga bakante sa mga linya nang sa gayun ay walang makita si Satanas na daan sa pagsira ng dasal nila,At nagpatnubay siya sa kanila-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng mga ilan sa mga kainaman na makakamtan sa pagpapatuwid ng linya,At ito ay dahil sa ang pagtutuwid rito ay isang palatandaan nang ganap na pagdarasal at kakompletuhan nito.At tunay na ang hindi matuwid na linya ay kabaluktutan at kakulangan rito.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh