إعدادات العرض
Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands Hausa ไทย دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Malagasy тоҷикӣ Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული bm Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Anghel Gabriel ay hindi tumigil na nag-uulit-ulit sa kanya at nag-uutos sa kanya ng pagmamalasakit sa kapitbahay na malapit sa tahanan niya, na Muslim man o hindi Muslim, kamag-anak man o hindi kamag-anak, sa pamamagitan ng pag-iingat sa karapatan nito at hindi pamemerhuwisyo rito, paggawa ng maganda rito, at pagtitiis sa perhuwisyo nito hanggang sa nagpalagay siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dahil sa pagdakila sa karapatan ng kapitbahay at pag-uulit ni Anghel Gabriel niyon, na bababa ang pagsisiwalat ng pagbibigay sa kanya mula sa yaman ng kapitbahay na maiiwan nito matapos ng pagpanaw nito.فوائد الحديث
Ang bigat ng karapatan ng kapitbahay at ang pagkakinakailangan ng pagsasaalang-alang niyon.
Ang pagbibigay-diin sa karapatan ng kapitbahay sa pamamagitan ng habilin ay humihiling ng pagkakailangan ng pagpaparangal sa kanya, pagmamahal at paggawa ng maganda sa kanya, pagtulak ng pinsala palayo sa kanya, pagdalaw sa kanya sa sandali ng pagkakasakit, pagbati sa kanya sa sandali ng pagkatuwa, at pakikiramay sa kanya sa sandali ng kasawian.
Sa tuwing ang pintuan ng kapitbahay ay higit na malapit, ang karapatan niya ay higit na tiyak.
Ang kalubusan ng Batas ng Islām kaugnay sa inihatid nito kabilang sa anumang naroon ang kaayusan ng lipunan na paggawa ng maganda sa mga kapitbahay at pagtulak ng pinsala palayo sa kanila.