"Aling gawain po ang higit na kaibig-ibig para kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh

"Aling gawain po ang higit na kaibig-ibig para kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang higit na kaibig-ibig para kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsabi ang tagapagsalaysay: "Nagsanaysay siya sa akin ng mga ito. Kung sakaling nagpadagdag ako sa kanya, talaga sanang nagdagdag siya sa akin."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain ang higit na kaibig-ibig kay Allāh?" Kaya nagsabi siya: "Ang isinatungkuling pagdarasal sa oras nito na tinakdaan ng Tagapagbatas. Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanila, ang pagtataguyod sa karapatan nila, at ang pagwaksi ng pagkasuwail sa kanila. Pagkatapos ang pakikibaka sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagtatanggol sa Relihiyong Islām at mga alagad nito, at pagpapangibabaw sa mga sagisag nito. Iyon ay sa pamamagitan ng sarili at salapi." Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "Nagpabatid siya sa akin hinggil sa mga gawaing ito. Kung sakaling nagsabi ako sa kanya ng: "Pagkatapos alin po," talaga sanang nagdagdag siya sa akin."

فوائد الحديث

Ang paglalamangan ng mga gawain sa pagitan ng mga ito alinsunod sa pagkaibig ni Allāh sa mga ito.

Ang paghimok sa Muslim sa pagsisigasig sa mga gawaing pinakamainam saka higit na mainam.

Ang pagkakaibahan ng mga pagsagot ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamainam sa mga gawain alinsunod sa pagkakaiba-iba ng mga tao at mga kalagayan nila at kung ano ang higit sa pakinabang para sa bawat isa sa kanila.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos, Ang Kalamangan ng Ṣalāh