Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna –lmashriqi wa-lmaghribi

Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna –lmashriqi wa-lmaghribi

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr sa ṣalāh, ay nanahimik nang saglit bago siya bumigkas. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko at ina ko ikaw ay tubusin nawa, nakapansin ka po ba sa pananahimik mo sa pagitan ng takbīr at pagbigkas? Ano po ang sinasabi mo?" Nagsabi siya: "Nagsasabi ako ng: Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna –lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī mina –lkhaṭāyā kamā yunaqqa –ththawbu –l'abyaḍu mina –ddanas. Allāhumma –ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, paglayuin Mo ako at ang mga kamalian ko gaya ng pagpapalayo Mo sa silangan at kanluran. O Allāh, dalisayin Mo ako mula sa mga kamalian gaya ng pagkakadalisay sa puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, hugasan Mo ako mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa ṣalāh, ay nanahimik nang isang bahagyang pananahimik bago siya bumigkas ng Al-Fātiḥah. Nagpapasimula siya rito ng ṣalāh niya sa pamamagitan ng ilan sa mga panalangin. Kabilang sa nasaad mula sa mga panalanging ito ang sabi niya: "Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna –lmashriqi wa-lmaghribi.* Allāhumma naqqinī mina –lkhaṭāyā kamā yunaqqa –ththawbu –l'abyaḍu mina –ddanas. Allāhumma –ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, paglayuin Mo ako at ang mga kamalian ko gaya ng pagpapalayo Mo sa silangan at kanluran. O Allāh, dalisayin Mo ako mula sa mga kamalian gaya ng pagkakadalisay sa puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, hugasan Mo ako mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)" Siya ay dumadalangin kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na paglayuin Nito siya at ang mga kamalian upang hindi siya masadlak sa mga ito, sa isang pagpapalayo na walang mangyayari sa kanya na isang pakikipagkita kung paanong walang pakikipagkita sa pagitan ng silangan at kanluran magpakailanman. Kung nasadlak siya sa mga ito, dalisayin nawa Nito siya mula sa mga ito at alisin nawa Nito ang mga ito kung paanong naaalis ang karumihan mula sa puting kasuutan at na hugasan nawa Nito siya mula sa mga kamalian niya at palamigin nawa Nito ang lagablab ng mga ito at ang init ng mga ito sa pamamagitan ng mga malamig na tagapagdalisay na ito: ang tubig, ang niyebe, at ang yelo.

فوائد الحديث

Ang tahimik ng pagbigkas ng panalangin ng pagpapasimula ng ṣalāh, kahit pa man ang ṣalāh ay binibigkas nang malakas.

Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-alam sa mga kalagayan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga pagkilos niya at mga pagtahan niya.

May nasaad na mga iba pang porma ng panalangin ng pagpapasimula ng ṣalāh. Ang pinakamainam ay na sundin ng tao ang mga pagpapasimulang nasasaad at napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya sasambit siya ng isang porma minsan at isa pang porma minsan.

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Ṣalāh