Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14)

Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14)

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14): {...at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.}"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakalimot sa pagganap ng alinmang ṣalāh na isinatungkulin hanggang sa lumampas ang oras nito, kailangan sa kanya na magdadali-dali at magmabilis sa pagbabayad-pagsasagawa nito sa sandali ng pagkasaalaala nito sapagkat walang pagbura at pagtatakip sa isang pagkakasala ng pag-iwan nito maliban na dasalin ito ng Muslim sa sandali ng pagkasaalaala nito. Nagsabi si Allāh sa Marangal na Aklat niya: {at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin} (Qur'ān 20:14) Ibig sabihin: magsagawa ka ng ṣalāh na nakalimutan kapag nakaalaala ka nito.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa kahalagahan ng ṣalāh at ang hindi pagwawalang-bahala sa pagganap nito at pagbabayad-pagsasagawa nito.

Hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng ṣalāh lampas sa oras nito nang sadyaan nang walang maidadahilan.

Ang pagkakinakailangan ng pagbabayad-pagsasagawa ng ṣalāh sa nakalimot kapag nakaalaala siya at sa natutulog kapag nagising siya.

Ang pagkakinakailangan ng pagbabayad-pagsasagawa ng mga ṣalāh kaagad-agad kahit pa sa mga oras na bawal ang ṣalāh.

التصنيفات

Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito, Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal