Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}

Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ayuno sa buwan ng Ramaḍān dala ng pananampalataya kay Allāh at dala ng paniniwala sa pagkatungkulin ng pag-aayuno at anumang inihanda ni Allāh (t) para sa mga nag-aayuno na masaganang mga pabuya at gantimpala habang nagpapakay ng kaluguran ng mukha ni Allāh, hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpaparinig sa tao, patatawarin sa kanya ang mga nagdaang pagkakasala niya.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pagpapakawagas at ang kahalagahan nito sa pag-aayuno sa Ramaḍān at iba pa rito kabilang sa mga maayos na gawain.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pag-aayuno