إعدادات العرض
Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]
Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी বাংলা Español Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە Hausa دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Soomaali Moore Українська Български Wolof Azərbaycanالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa unang sampung araw ng buwan ng Dhulḥijjah ay higit na mainam kaysa sa nalalabi sa mga araw ng taon. Nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikibaka sa iba pa sa sampung araw na ito kung ito ba ay higit na mainam o ang mga maayos na gawain sa mga araw na ito. Iyon ay dahil sa napagtibay sa ganang kanila na ang pakikibaka ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain. Kaya sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa mga araw na ito ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka sa mga ibang araw, maliban sa isang lalaking lumabas na nakikibaka at nagsuong ng sarili niya at yaman niya sa panganib alang-alang sa landas ni Allāh saka nawala ang yaman niya at ibinuwis ang kaluluwa niya alang-alang sa landas ni Allāh. Iyan ay ang nakalalamang sa maayos na gawain sa mga lamang na araw na ito.فوائد الحديث
Ang kainaman ng maayos na gawain sa unang sampung araw ng Dhulḥijjah kaya kailangan sa Muslim na samantalahin ang araw na ito at paramihin sa mga ito ang mga pagtalima gaya ng pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagbabasa ng Qur'ān, pagsambit ng Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila), pagsambit ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), pagsambit ng Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), pagsasagawa ng ṣalāh, pagbibigay ng kawanggawa, pag-aayuno, at lahat ng mga gawain ng pagsasamabuting-loob.