إعدادات العرض
Tantanan ninyo ako sa pag-uusisa ninyo. Nalipol lamang ang mga nauna sa inyo ng dalas ng pagtatanong nila at pakikipagbangayan nila sa mga propeta nila tungkol sa anuman kaya iwasan ninyo iyon. Kapag inutusan ko kayo ng isang utos ay gawin ninyo mula roon ang makakaya ninyo.
Tantanan ninyo ako sa pag-uusisa ninyo. Nalipol lamang ang mga nauna sa inyo ng dalas ng pagtatanong nila at pakikipagbangayan nila sa mga propeta nila tungkol sa anuman kaya iwasan ninyo iyon. Kapag inutusan ko kayo ng isang utos ay gawin ninyo mula roon ang makakaya ninyo.
Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tantanan ninyo ako sa pag-uusisa ninyo. Nalipol lamang ang mga nauna sa inyo ng dalas ng pagtatanong nila at pakikipagbangayan nila sa mga propeta nila tungkol sa anuman kaya iwasan ninyo iyon. Kapag inutusan ko kayo ng isang utos ay gawin ninyo mula roon ang makakaya ninyo."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල دری অসমীয়া Tiếng Việt አማርኛ Svenska ไทย Yorùbá Кыргызча Kiswahili ગુજરાતી नेपाली Română മലയാളം Nederlands Oromoo తెలుగు پښتو Soomaali Kinyarwanda Malagasyالشرح
Ang mga Kasamahan, malugod si Allāh sa kanila, ay nagtatanong noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa mga bagay na maaaring hindi bawal ngunit maipagbabawal dahil sa katatanong nila o maaaring hindi isinasatungkulin ngunit maisasatungkulin dahil sa katatanong nila. Kaya inutusan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na hayaan na nila ang usaping hinayaan niya hanggat hindi siya nag-utos sa kanila at hindi siya nagbawal sa kanila. Pagkatapos ay isinadahilan niya roon na ang mga nauna sa atin ay nagparami ng mga tanong sa mga propeta, kaya hinigpitan sila kung paanong naghigpit sila sa mga sarili nila. Pagkatapos ay sinalungat nila ang mga propeta nila. Pagkatapos ay inutusan niya na umiwas sa alinmang bagay na ipinagbabawal sa atin. Ang anumang ipinag-utos niya sa atin na gawin ay tunay na tayo ay gagawa niyon sa abot ng makakaya natin at ang anumang hindi natin nakakaya ay hindi ipagagawa sa atin.