Ang siwāk ay kadalisayan para sa bibig, kaluguran para sa Panginoon.

Ang siwāk ay kadalisayan para sa bibig, kaluguran para sa Panginoon.

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang siwāk ay kadalisayan para sa bibig, kaluguran para sa Panginoon."

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy.]

الشرح

Ang siwāk ay nagdadalisay sa bibig sa mga dumi, mga masamang amoy, at iba pa roon na nakapipinsala. Sa pamamagitan ng alinmang bagay na ipinangkikiskis sa ngipin na nakalilinis ay naisasakatuparan ang sunnah ng siwāk, gaya ng kung sakaling nilinis ang ngipin sa pamamagitan ng sepilyo, toothpaste, at ibang pang mga pang-alis ng mga dumi. Ito ay kaluguran para sa Panginoon. Ibig sabihin: ang paglilinis ng ngipin ay kabilang sa mga dahilan ng pagkalugod ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa tao. Bumanggit sila ng mga pakinabang ng siwāk, kabilang dito ang sumusunod: nagpapabango ng bibig, nagpapatibay ng gilagid, nagpapalinaw ng mata, nag-aalis ng uhog, sumasang-ayon sa sunnah, nagpapasaya sa mga anghel, nagpapalugod sa Panginoon, nakadaragdag sa mga magandang gawa, at umaayos sa bituka.

التصنيفات

Ang mga Sunnah ng Kadalisayan, Ang mga Sunnah ng Kadalisayan