إعدادات العرض
Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari nito sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid kapag nasa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari nito sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid kapag nasa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari nito sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid kapag nasa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Português Kurdî Kiswahili دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Українська Čeština Magyar Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ O‘zbek ភាសាខ្មែរالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga etiketa yayamang sumaway siya na humawak ang lalaki ng ari nito ng kanang kamay nito sa sandali ng pag-ihi at na alisin ang karumihan mula sa puwit o tumbong sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang kanan ay inihanda para sa mga marangal. Sumaway rin siya na huminga ang tao sa lalagyan na iniinuman niya.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa pagkauna ng Islām sa mga etiketa at kalinisan.
Ang pag-iwas sa mga bagay na marumi ngunit kung napilitan na sumaling ng mga ito, ito ay sa pamamagitan ng kaliwang kamay.
Ang paglilinaw sa karangalan ng kanang kamay at ang kalamangan nito sa kaliwang kamay.
Ang pagkakumpleto ng Batas ng Islām at ang kasaklawan ng mga turo nito.