Nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya: Gumugol ka, o anak ni Adan, gugugulan ka.

Nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya: Gumugol ka, o anak ni Adan, gugugulan ka.

Ayon kay Abū Hurayrah `Abdurraḥmān bin Ṣakhr Ad-Dawsīy, malugod si Allāh sa kanya: "Nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya: Gumugol ka, o anak ni Adan, gugugulan ka."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

"Gumugol ka, gugugulan ka" ay nangangahulugang: Huwag kang matakot sa karalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng salapi at pagpapalabas nito at huwag kang maging madamot dahil tunay na ikaw, kapag gumugol ka sa iba sa iyo, ay gugugulan ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang nasa inyo ay nauubos at ang nasa kay Allāh ay mananatili. Ang ḥadīth na ito ay ayon sa kahulugan ng sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Ang anumang ginugol ninyo mula sa anumang bagay, Siya ay magtutumbas nito." Naglalaman ito ng paghimok sa paggugol para sa mga uri ng kabutihan at ng pagbabalita ng maganda tungkol sa kabutihang-loob ni Allāh, pagkataas-taas Niya.

التصنيفات

Ang mga Gugulin, Ang mga Gugulin, Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob, Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob