إعدادات العرض
1- Nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya: Gumugol ka, o anak ni Adan, gugugulan ka.
2- Kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya ng isang paggugol na inaasahan niyang gagantimpalaan dahil dito [ni Allāh], ito ukol sa kanya ay isang kawanggawa.
3- Kumuha ka sa yaman niya ng sapat lamang, magkakasya sa iyo at magkakasya sa anak mo
4- Ang kamay na mataas ay mainam kaysa sa kamay na mababa. Ang kamay na mataas ay ang gumugugol at ang mababa ay ang nanghihingi
5- Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa gantimpala ay ang ginugol mo sa mag-anak mo.