Ang kamay na mataas ay mainam kaysa sa kamay na mababa. Ang kamay na mataas ay ang gumugugol at ang mababa ay ang nanghihingi

Ang kamay na mataas ay mainam kaysa sa kamay na mababa. Ang kamay na mataas ay ang gumugugol at ang mababa ay ang nanghihingi

Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi habang siya ay nasa pulpito at binanggit niya ang kawanggawa at ang pagpipigil sa panghihingi: "Ang kamay na mataas ay mainam kaysa sa kamay na mababa. Ang kamay na mataas ay ang gumugugol at ang mababa ay ang nanghihingi."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng tungkol sa kalamangan ng pagkakawanggawa at kapintasan ng panghihingi sa mga tao. Ipinabatid niya ang taong nagbibigay at gumugugol ng mga yaman niya sa pagtalima [kay Allah] ay higit na mainam kaysa sa nanghihingi sa mga tao ng mga salapi nila.

التصنيفات

Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob, Ang mga Gugulin