Kumuha ka sa yaman niya ng sapat lamang, magkakasya sa iyo at magkakasya sa anak mo

Kumuha ka sa yaman niya ng sapat lamang, magkakasya sa iyo at magkakasya sa anak mo

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: ((Pumasok si Hind bint `Utbah-Asawa ni Abe Sufyan-sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagsabi siya: O Sugo ni Allah Si Abu Sufyan ay isang lalaking matipid,Hindi niya ibinibigay sa akin ang gastos na magkakasya sa akin at magkakasya sa anak ko,maliban sa kinukuha ko mula sa yaman niya nang hindi niya nalalaman,Ako ba ay magkakasala rito?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kumuha ka sa yaman niya ng sapat lamang, magkakasya sa iyo at magkakasya sa anak mo))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagtanong si Hind bint `Utbah sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa asawa nitong hindi nagbibigay sa kanya ng sapat para sa kanya at sa mga anak niya sa panggastos,Maaari ba siyang kumuha mula sa yaman ng asawa niya na si Abu Sufyan na hindi niya nalalaman?Sinagot niya na ito ay ipinapahintulot,kapag ang kinuha niya ay sa dami ng magkakasiya at sapat lamang,walang [halong] dagdag at pagmamalabis

التصنيفات

Ang mga Gugulin