Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."}

Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga uri ng paggugol sapagkat nagsabi siya: "Isang dinar na ginugol mo sa pakikibaka sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya ng isang alipin mula sa pang-aalipin at pagkaalipin, isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukhang nangangailangan, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo at mga alaga mo." Pagkatapos nagpabatid siya na ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya sa ganang kay Allāh ay ang ginugol mo sa mag-anak mo, mga alaga mo, at sinumang inoobliga sa iyo ang paggugol sa kanya.

فوائد الحديث

Ang dami ng mga pinto ng paggugol sa landas ni Allāh.

Ang pag-una ng pinakamarapat sa pinto ng paggugol sa sandali ng pagtatagisan. Bahagi niyon ang paggugol sa mag-anak sa sandali ng kawalan ng kakayahan sa paggawa ng lahat.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy sa Pagbibigay-linaw sa Ṣaḥīḥ Muslim: Ang paghimok sa paggugol sa mga kamag-anak at ang paglilinaw sa bigay ng gantimpala rito dahil mayroon sa kanila na kinakailangan ang paggugol dahil sa pagkakamag-anak, mayroon sa kanila na ito ay nagiging isang iminumungkahi at nagiging isang kawanggawa at isang pagpapanatili ng ugnayan, at mayroon sa kanila na ito ay nagiging isang kinakailangan dahil sa resulta ng kasal at resulta ng panunumpa. Ito sa kabuuan nito ay nakalalamang na hinihimok. Ito ay higit na mainam kaysa sa kawanggawa ng pagkukusang-loob.

Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya: "isang dinar na ginugol mo sa mga alaga mo," ibig sabihin: kapag naglayon ka rito ng kaluguran ng mukha ni Allāh at nagnais ka ng [pagtupad sa] karapatan ng mga alaga, halimbawa.

Nagsabi si Abū Qilābah: Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa lalaking gumugugol sa mga alagang nakababata na nagpapadisente sa kanila at nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan niya at nagbibigay-kasapatan sa kanila?

التصنيفات

Ang mga Gugulin, Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob