Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}

Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwan sa ṣalāh na isinatungkulin. Nagpabatid siya na sa pagitan ng tao at ng pagkasadlak sa shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh. Ang ṣalāh ay ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng Islām at ang pumapatungkol dito ay dakila sa Islām. Kaya ang sinumang nag-iwan nito habang nagkakaila sa pagkakinakailangan nito ay tumangging sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol ng mga Muslim. Kung nag-iwan siya nito nang lubusan dala ng pagwawalang-bahala at katamaran, siya ay tagatangging sumampalataya. Naipaabot ang pagkakaisa ng hatol ng mga Kasamahan doon. Kung siya naman ay nag-iiwan nito paminsan-minsan at nagdarasal paminsan-minsan, siya ay malalantad sa matinding bantang ito.

فوائد الحديث

Ang kahalagahan ng ṣalāh at ang pangangalaga rito sapagkat ito ay ang tagapaghiwalay sa pagitan ng kawalang-pananampalataya at pananampalataya.

Ang matinding pagbibigay-babala laban sa pag-iwan sa ṣalāh at pagsasayang nito.

التصنيفات

Ang mga Nakasisira sa Islām, Ang Kawalang-pananampalataya, Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito