{May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}

{May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nakakita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang babaing napatay sa isa sa mga paglusob. Nagmasama siya sa pagpatay sa mga babae at mga munting paslit na hindi pa umabot sa pagbibinata.

فوائد الحديث

Ang sinumang hindi nakipaglaban kabilang sa mga babae, mga paslit, at ang sinumang nasa kahatulan nila gaya ng matatandang hukluban at mga pari, tunay na sila ay hindi pinapatay, hanggat ang mga ito ay hindi naging mga may pagpapasya at pag-alalay sa pakikipaglaban sa mga Muslim sapagkat kung sila ay naging gayon, tunay na sila ay pinapatay.

Ang pagsaway laban sa pagpatay sa mga babae at mga paslit dahil ang mga ito ay hindi nakikipaglaban sa mga Muslim. Ang pinapakay ng pakikibaka sa landas ni Allāh (napakataas Siya) ay ang pagwasak ng lakas ng mga nakikipaglaban lamang, nang sa gayon makarating ang pag-anyaya ng katotohanan sa mga tao sa kalahatan.

Ang awa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit sa mga paglusob at mga digmaan.

التصنيفات

Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Jihād