إعدادات العرض
Katotohanang sapat na sa iyo na idampi mo sa kamay mo ng ganito: pagkatapos ay idinampi niya ang dalawang kamay niya sa lupa ng isang beses,at pagkatapos ay pinunasan ng kaliwa ang kanan,at ang sa ibabaw ng palad niya at ang mukha niya
Katotohanang sapat na sa iyo na idampi mo sa kamay mo ng ganito: pagkatapos ay idinampi niya ang dalawang kamay niya sa lupa ng isang beses,at pagkatapos ay pinunasan ng kaliwa ang kanan,at ang sa ibabaw ng palad niya at ang mukha niya
Ayon kay `Ammar bin Yaser, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Ipinadala ako ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ilang pangangailangan,Naging junub ako,wala akong matagpuang tubig.Humiga ako sa buhangin tulad ng paghiga ng hayop,Pagkatapos ay dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit ko ito sa kanya,Nagsabi siya:Katotohanang sapat na sa iyo na idampi mo sa kamay mo ng ganito: pagkatapos ay idinampi niya ang dalawang kamay niya sa lupa ng isang beses,at pagkatapos ay pinunasan ng kaliwa ang kanan,at ang sa ibabaw ng palad niya at ang mukha niya))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල Svenska ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Malagasy नेपाली Čeština Oromoo Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Lietuvių Српски ไทย Kinyarwanda Shqip ಕನ್ನಡ Wolof Українська Moore ქართული Magyarالشرح
Ipinadala ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si `Ammar bin Yaser-malugod si Allah sa kanya-sa isang paglalakbay dahil ilang pangangailangan,Siya ay naging junub [sekswal na karumihan],wala siyang makitang tubig upang gawin niyang pampaligo,at hindi niya alam ang panuntunan ng Tayammum para sa mga junub.Ang alam lamang niya ay ang panuntunan nito para sa maliit na Hadath,Nagsumikap siya at inakala niya na tulad ng pagpahid gamit ang buhangin sa ilang bahagi ng [katawan] sa pagsasagawa ng wudhu,kapag ito ay maliit na Hadath,kaya nararapat na ang pagsasagawa ng tayammum mula sa pagiging junub,ay [ang pagpahid nito] sa pangkalahatang katawan,bilang paghahambing sa paggamit ng tubig.Kaya humiga siya sa buhangin hanggang sa mapahiran ang buo nitong katawan [ng buhangin] at siya ay nagdasal,at nang dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa sarili niya ginawa ang bagay na ito-dahil ito ay mula sa kanyang sariling pagsusumikap-binanggit niya ito sa kanya,upang malaman niya kung siya ba ay tama o mali? Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapat na sa iyo mula sa pagpahid mo sa iyong buong katawan ng lupa, ang pagdampi sa dalawang kamay mo sa lupa,ng isang beses lamang,pagkatapos ay punasan ng iyong kaliwa ang iyong kanan,at ang sa ibabaw ng palad mo at ang mukha mo,tulad ng pagsasagawa ng tayammum para sa wudhuالتصنيفات
Ang Tayammum