Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito - الصفحة 2

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito - الصفحة 2

8- Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya,Nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan) ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya,Maliban sa pag aayuno,sapagkat ito ay sa Akin, At Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,ang pag aayuno ay Panangga,kapag sa araw na nag aayuno ang isa sa inyo,huwag magsalita ng masasama,at huwag makipagtalo,at kapag nangutya ang isa sa inyo o nakipag-away, Magsabi siya na:Ako ay Nag- aayuno:Sumpa man sa nagbigay ng buhay kay Muhammad: Ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas mabango para kay Allah,kaysa amoy ng pabango,Sa nag aayuno ay may dalawang kaligayahan na nakakapag-paligaya sa kanila,kapag naghaponan siya,naliligayahan siya sa paghahapunan niya,at kapag nakatagpo niya ang Panginoon niya,naliligayahan siya sa pag-aayuno niya,)).Napagkaisahan ang katumpakan,At ang pananalita na ito,ay salasay ni Imam Al-Bukharie.At sa salaysay mula sa kanya:((Iniiwan niya ang pagkain nito at inumin nito at pag-aasawa nito para sa akin,Ang Pag-aayuno ay sa akin at ako ang magbibigay ng gantimpala dito,at ang isang kabutihan ay katumbas ng sampu na katulad nito))At sa salaysay ni Imam Muslim:(Ang lahat ng mga gawain ng anak ni Adam ay pinaparami,At ang isang kabutihan ay katumbas ng sampung katulad nito,hanggang sa pitong-daang pagpaparami,Nagsabi ang Allah-Pagkataas-taas Niya:(Maliban sa Pag-aayuno,Sapagkat ito ay sa akin, at Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,iniiwan niya ang pag-aasawa nito at pagkain nito para sa Akin.Sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan:Kaligayahan sa paghahapunan niya(AlFitr),at kaligayahan sa pagtagpo niya sa Panginoon niya.At ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas-mabango para kay Allah kaysa amoy ng pabango.

51- Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.

79- ((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))

92- Ang Sugi ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagtalaga ng Pinuno sa mga hukbo o piraso sa mga hukbo,pinapayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah,at ang sa mga kasamahan nito na mga Muslim,sa kabutihan.Nagsabi siya:(( Makipag-darambong kayo sa Pangalan ni Allah, sa daan ni Allah,makipaglaban kayo sa sinumang walang-pananampalataya kay Allah,makipaglaban kayo at huwag kayong manguha ng darambong,at huwag kayong lumabag sa napagkasunduan,at huwag kayong pumatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at huwag kayong pumatay ng bata,at kapag nakaharap mo ang kalaban mo mula sa mga pagano,anyayahan mo sila sa tatlong katangin-o sa pamamagitan -At kahit na ano ang isinagot nila sa iyo,tanggapin mo ito mula sa kanila,at pigilan ang iyong kamay sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islam,at kapag sinagot ka nila ay tanggapin mo ito mula sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa paglipat mula sa mga tahanan nila papunta sa mga tahanan ng mga Nagsilikas(Madinah),At ibalita mo sa kanila,na kapag ginawa nila iyon,mapapa-sa kanila ang anumang para sa mga manlilikas(Muhajireen) at hindi mapapa-sa kanila ang hindi para sa mga manlilikas(Muhajireen),at kapag tumanggi sila na lumipat dito,ibalita mo sa kanila na sila ay magiging katulad ng mga Arabong Muslim,maipapatupad sa kanila ang Panuntunan ni Allah-pagkataas-taas Niya,at walang maibibigay sa kanila sa nadambong at sa Al-Fay(kayamanan na nakuha sa mga Kuffar na hindi nakuha sa pakikipaglaban) kahit konti.maliban kung makikipaglaban sila(sa daan ni Allah)kasama ang mga Muslim.At kapag sila ay tumanggi,singilin mo sa kanila ang Buwis,at kapag ito ay tinanggap nila sa iyo,tanggapin mo ito sa kanila,at pigilan mo ang iyong kamay sa kanila,at kapag sila ay tumanggi,humingi ka nang tulong kay Allah at makipaglaban ka sa kanila.At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,at ninais nila na ilagay mo sila sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng Propeta Niya,huwag mo silang ilagay sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ilagay mo sila sa Kasunduan mo at sa Kasunduan ng mga kasamahan mo,sapagkat ang paglabag sa Kasunduan ninyo at sa Kasunduan ng mga kasamahan ninyo ay mas magaan mula sa paglabag ninyo sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta ,At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,At ninais nila na ipataw mo sa kanila ang Panuntunan ni Allah,huwag mo itong ipataw sa kanila,ngunit ipataw mo sila sa panuntunan mo,sapagkat hindi mo napag-alaman,kung napag-wasto ba nila ang Panuntunan ni Allah o hindi.