إعدادات العرض
Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog.
Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog.
Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو አማርኛ Oromoo ไทย Română മലയാളംالشرح
Naglaman ang marangal na ḥadīth na ito ng tatlong marangal na pampropetang tagubilin: 1. Ang paghimok sa pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan dahil ang magandang gawa ay ginagantihan ng sampung tulad nito kaya naman ang tatlong araw na pag-aayuno ay nagiging gaya ng pag-aayuno sa buong buwan. Ang pinakamainam ay na ang tatlong ito ay sa ika-13, ika-14, at ika-15 gaya ng nasaad sa ilan sa mga ḥadīth. 2. Na magdasal ng ṣalāh sa ḍuḥā (ṣalātuḍḍuḥā). Ang pinakakaunting bilang nito ay dalawang rak`ah, lalo na sa panig ng hindi nagdarasal sa gabi (qiyāmullayl) gaya ni Abū Hurayrah na nagpakaabala sa pag-aaral ng kaalaman sa unang bahagi ng gabi. Ang pinakamainam na oras nito ay kapag naiinitan na ang mga kamelyong inawat sa pagsuso, gaya ng nasaad sa ibang ḥadīth. 3. Na ang sinumang hindi bumabangon sa huling bahagi ng gabi para magdasal ay magsawa ng witr bago matulog upang hindi malaktawan ang oras niyon.التصنيفات
Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob